"Uwi ka na, doc?" ngumiti ako sa head nurse at tumango sa kanya.
Pasado alas-onse na ng gabi at kakatapos lang ng shift ko ngayong araw. Masyadong hectic ang schedule ko nitong mga nakaraang araw dahil sa madaming isinugod na mga bata due to food poisoning. Buti na lang at hindi masyadong madami ang handle ng bawat nurses kaya natututukan namin ang mga bata.
3 years had already passed and I am now managing my own hospital here in Palawan. Maraming nagyari sa mga nagdaan na taon but I am thankful that I have my family whom I can rely on. Sila ang nag-urge sa akin na magtayo ng sarili kong ospital, with the help of my parents ay naging matagumpay naman iyon. Hindi ko alam kung anong nagyari sa ospital na balak sanang ipatayo ni Doc Khyle dahil nabalitaan na lang namin na itinigil iyon kahit hindi pa man nasisimulan. Kaya ngayon, sa SRhenz General Hospital sila na pag-aari ko tumatakbo tuwing may emergency dahil iyon lang naman ang pinakamalapit na ospital dito sa bayan namin.
"Let's go. Kanina ka pa hinihintay ng anak mo." nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Dash.
"Bakit hindi pa siya natutulog? past eleven na ah."
He sighed then started the engine. "Alam mo naman na hindi makatulog 'yon kapag hindi ka katabi eh."
Napabuntong-hininga ako. Masyado talagang clingy ang batang 'yon. Minsan nga kahit dito sa ospital ay gusto pang sumama, kesyo hindi daw maglilikot pero malingat ka lang sandali kung saan saan na nakakarating, tsk.
"By the way, tumawag sina mom and dad. Doon daw tayo magki-christmas sa Manila." Kunway aniya kaya tumango ako. Ilang araw na rin naming napag-usapan iyon at laging ipinipilit ni mommy kaya naman ay pumayag na ako dahil dalawang linggo lang naman kaming mananatili doon at babalik din agad dito sa Palawan.
Naging tahimik ang biyahe namin pauwi, alam niya sigurong pagod ako kaya hindi niya ako masyadong dinaldal.
Pagdating namin sa bahay ay agad ko silang nabungaran sa may sala na naglalaro. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at tumakbo papunta sa akin, muntik pa nga siyang madulas dahil sa pulbos na nasa katawan niya.
Binuhat ko siya at sabay kaming nagtungo sa sofa. Sinamaan ko ng tingin si Yumi pero alanganin lang siyang ngumiti.
"Sorry, besh. Masyadong malikot 'yang anak mo eh." anito at pinagpag ang damit na puno ng pulbos.
"Tsk. Bakit nandito ka na naman aber? hindi ka ba hinahanap ng asawa mo?"
Napairap siya dahil sa tanong ko. "HUwag mo ngang ipaalala sa akin ang asungot na 'yon!"
"Bakit naman hindi, ako kaya kinukulit no'n pagdating sa'yo!" Katwiran ko. Ako naiipit sa kaartehan nilang mag-asawa eh. Away-bati, parang mga teenager tsk.
She rolled her eyes. "Pakialam ko. Block mo na lang para hindi ka kontakin." Aniya at naupo sa tapat namin.
"Gaga! hindi lang naman ako sa tawag kinukulit no'n. Nagpunta din kaya siya kanina sa ospital."
"W-what? nandito s-siya sa Palawan?" utal na tanong niya kaya ngumisi ako.
"Yeah, nakukulitan na ako kaya sabi ko nga dumiretso na lang dito sa bahay kung gusto kang makita eh."
Kinuha niya ang throw pillow at binato iyon sa akin saka ako sinamaan ng tingin. "Bwesit ka! bakit mo naman sinabi 'yon? Ayoko pang makita ang bwesit na'yon eh!" akmang sasagot na ako ng tumunog ang doorbell kaya sabay kaming napatingin doon.
"Goodluck, bes. Don't forget to use condoms!" biro ko at umakyat na habang buhat ang anak ko na nakatulog na sa lap ko. Rinig ko pa ang pag-ungot niya hanggang sa makaakyat kami sa taas ng anak ko.
BINABASA MO ANG
Chasing the Hot Doctor (COMPLETED)
RomanceSalvador Series 1: Eros Matthew "If chasing you is the only way to get you, I'm willing to chase you until you could no longer runaway from me. Mark my words, Doc. Magiging akin ka rin." Ylorra Alexandrite Marcoza is a typical rich bratty heiress wh...