"Here's your mangoes. May iba ka pa bang gusto?" tanong ni Dash ng maiabot niya sa akin ang isang supot ng hilaw na mangga. Nagningning ang mata ko ng makita iyon at malawak ang ngiting umiling sa kanya.
"No, this is okay. Thanks, Dash!"
Dali-dali akong tumayo at nagtungo sa kusina para balatan iyon. Matapos balatan ang tatlong mangga ay kinuha ko naman ang nutella sa may kitchen drawer para gawing sawsawan.
Dala-dala ang mga iyon ay nagtungo ako sa may terrace kung saan nakaupo si Dash at busy sa pagtatype sa kanyang laptop. Nilapag ko ang mga dala ko at inumpisahan na iyong lantakan. Sarap na sarap ako sa pagsawsaw ng mangga sa nutella ng mapadako ang tingin ko kay Dash na nakangiwing nakatingin sa akin.
"You want?" alok ko sa kanya sabay lahad ng magga pero mabilis siyang umiling sa akin.
"Hindi ba sasakit ang tiyan mo diyan? baka makasama sa'yo 'yan." alanganing tanong niya sabay tingin sa kinakain ko.
Umiling naman ako. "Ito gusto ni baby eh." tumango na lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa.
Yes, I'm pregnant with Eros' child. Bago pa man ang nangyari ay alam ko ng dinadala ko ang anak niya, that's why I beg him to fix our family yet he didn't want to fix it at all. Ano pa nga ba ang aayusin kung una pa lang ay hindi na maayos ang pagsasama namin? ayoko mang itago sa kanya ang magiging anak namin pero alam ko namang hindi niya rin ito matatanggap. He clearly told me na ayaw niya akong maging ina ng anak niya and I don't want my child to feel unwanted by his own father as well. Ilang beses na niya akong pinagtabuyan at hindi ko hahayaang maranasan din iyon ng anak ko.
My parents knew my situation kaya hindi na rin nila tinutulan ng sabihin kong gusto kong maghilom dito sa Palawan. They knew that its bad for a pregnant woman to be stressed. Buti na rin at kasama ko si Dash kaya hindi masyadong naging mahirap sa akin ang pagbubuntis ko dahil nandyan siya para ibigay lahat ng pangangailangan ko.
"Anong oras pala ang check up mo?" he asked without removing his gazed in front of his laptop.
"Mamaya pang eleven."
Tumango siya.
I am now on my fifth month of pregnancy at mamaya ay malalaman ko na kung ano ang gender ng magiging babay ko. Naeexcite ako na nalulungkot. Excited dahil sa wakas ay malalaman ko na kung lalaki o babae ang anak ko but at the same time sad because Eros is not with me to witness that moment. Hindi na rin ako umaasa na makaksama ko siya sa iba pang espesyal na event sa buhay ng anak ko dahil alam ko naman kung gaano niya ako kinamumuhian.
I hope in another life, he will hate me less.
Pagkarating namin ni Dash sa isang maliit na clinic dito sa Palawan ay agad kaming sinalubong ni Justice, siya ang ob-gyne na nakaassign dito sa amin.
She smiled as she went to us at hindi nakatakas sa paningin ko ang bahagyang pagpula ng pisngi niya ng mapadako ang kanyang paningin kay Dash.
"How are you, Alex? hindi ka naman ba pinapahirapan ni baby?" tanong niya ng tuluyan na akong makahiga sa kama. Si Dash naman ay nagpaiwan na sa labas dahil may importante daw itong kailangang kausapin.
"Hindi naman."
Ngumiti siya at inayos na ang mga gagamitin. She put my dress up and put some gel in my belly as she inserted something inside me.
"Oh look! its a boy! congrats, Alex." nakangiting sabi niya. Naluluha ako habang nakatingin sa screen kung saan nandoon ang imahe ng anak ko. Tama nga 'yong sabi nila na masyadong nakakaoverwhelm ang pagiging isang ina. I know this will going to be a hard responsibility but I promise to do everything for my child.
![](https://img.wattpad.com/cover/307870665-288-k807337.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing the Hot Doctor (COMPLETED)
RomanceSalvador Series 1: Eros Matthew "If chasing you is the only way to get you, I'm willing to chase you until you could no longer runaway from me. Mark my words, Doc. Magiging akin ka rin." Ylorra Alexandrite Marcoza is a typical rich bratty heiress wh...