Chapter 9

1.5K 30 0
                                    

"Date me. I will make you feel the love that an amazing woman like you will deserve." Aniya na ikinamaang ko.

Is he joking?

Mataman lang akong nakatitig sa kanya dahil sa sinabi nito hanggang sa bigla na lang itong napahalakhak ng napakalakas sabay may pahawak-hawak pa sa tiyan.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil narealized kong nagbibiro lang siya. Nang hindi pa rin siya tumigil sa katatawa ay sinapok ko ito sa braso naikinadaing nito.

"A-aray, ouch! Ylorra naman, ouch uy tama na.." sabay ilag nito ng sunod-sunod kong hampasin sa braso sabay pingot pa sa tainga nito bago ako huminto.

"Huwag mo nga akong mabiro-biro ng ganyan! kitang broken pa yong tao eh." ani ko sabay tayo sa couch nito na ikinatingin niya sa akin.

"Oh, where are you going? akala ko ba itetreat mo ako?" kunot-noong tanong nito.

Umismid ako. "Kaya nga po, master. Tumayo ka na diyan ng makaalis na po tayo." sarkastikong sabi ko.

Natawa siya sa sinabi ko sabay pisil sa pisngi ko kaya naman ay sinamaan ko na naman siya ng tingin pero mukhang waepek dahil nakangiti pa rin ito.

"Bakit ba ang cute mo, Ylorra?" nabigla man sa sinabi niya ay di ko maiwasang mapangisi.

"Sus! inborn yan doc. Maraming ng nagsabi niyan pang isanlibo ka na but still, thank you."

tumaas ang kilay nito. "Pang-isanlibong ano?"

Inirapan ko ito. "Duh! pang-isanglibong nagsabi na cute at maganda ako." ani ko pero bigla ulit itong natawa na ikinakunot noo ko. "Tinatawa mo diyan?"

"Ang hangin mo naman beh. Ang ibig kong sabihin ang cute mo dahil nagmumukha kang angry bird kapag naiinis haha." sabay tawa nito. Akmang hahampasin ko na siya ng bigla siyang naunang lumabas ng pinto at tumakbo palayo habang tumatawa.

'Humanda ka sa akin mamaya' mahinang bulong ko. Pero infairness, ang gaan niya kasama. Tipid akong napangiti, Ikaw na lang kaya ang mahalin ko doc Khyle? matuturuan ko kaya ang puso ko na ibaling sayo ang pagmamahal ko kay Eros? napailing na lang ako dahil sa mga pumapasok sa puso ko.

Sa Mc Arthur's Cuisin napiling kumain ni Khyle, huwag ko na daw siyang tawaging doc dahil friends na daw kami. So ayun nga, mukhang sinulit talaga nitong si Khyle ang libre dahil halos lahat ng nasa menu ay inorder nito. Halos hindi na nga magkasya sa kinuha naming table lahat ng order niya eh.

"Siguraduhin mo lang na uubusin mo lahat ito kundi lagot ka sakin." banta ko sa kanya ng magsimula kaming kumain. Di siya sumagot bagkus nagsimula ng lantakan lahat ng pagkain.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na ako sa pagkain. Napatingin ako kay Khyle habang nanlalaki ang mata dahil sa naubos nga nito lahat ng inorder niyang pagkain. Take note, more than five dishes iyon at ang iba ay heavy meal pa. Wow lang ha.

"May alaga ka bang dragon diyan sa tiyan mo?" di maiwasang bulalas ko.

Umiling siya sabay inom ng tubig bago ako sinagot. "Nah, actually kakatapos lang ng 18 hours duty ko ng dumating ka sa ospital kanina. So basically mula kagabi ay wala pa talaga akong kain. Kaya thanks for the treat, Alex." yeah Alex na tawag niya sakin dahil ang haba daw pangalan ko. Bigla naman akong naawa sa kanya.

"Lagi ka bang nalilipasan ng gutom? doctor ka dapat alam mong masama sa kalusugan yan."

He smiled at me. "Ngayon lang naman, saka nakakawalang gana din kasi minsan kapag walang kasabay sa pagkain eh." katwiran niya.

"Gusto mo sabay tayo? para hindi ka na rin loner kapag kumain. Kawawa ka naman feeling lonely ka lagi kumain." nang-iinis na sabi ko pero parang naamazed pa siya sa sinabi ko.

Chasing the Hot Doctor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon