Chapter 8

1.5K 26 1
                                    

It's been a week since I got into an accident and to be honest, I'm starting to feel guilty for acting invalid though I am really not. Pero masisisi niyo ba ako kung ito lang ang tanging paraan ko para kahit papaano ay maibaling ko sa akin ang atensyon ni Eros? I've been throwing myself at him but he didn't bother looking at me like on how he looks at Katrina. Lagi na lang masama ang tingin niya sa akin kahit noon pa na wala naman talaga akong ginagawang masama. kaya kahit gumawa man ako ng masama ngayon o magsinungaling man ako ay wala ng mawawala dahil una pa lang ay hindi na maganda ang naging impresyon niya sa akin.

Napabuntong-hininga ako at saka sumulyap sa kanya na abala sa pag-aayos ng mga gagamitin daw namin sa pagpapractice sa paglalakad.

"Shall we start?" tanong niya sa akin ng makarating sa harap ko. Bahagya lang akong tumango at umiwas ng tingin sa kanya.

Ipinalibot niya ang kanyang mga braso sa akin para alalayan ako sa pagtayo. Langhap na langhap ko ang kanyang pabango dahil sa magkadikit ang aming katawan. Nang mapadako ang paningin ko sa kanyang muscle ay hindi ko maiwasang pamulahan. Nakasuot lang kasi siya ng muscle tee at sa totoo lang, nagmumukha siyang boyfriend ko kaysa doctor ko. Haha, ang assuming mo self.

"Ready?" tumango ako. "Okay, dahan-dahan lang, don't force yourself kung hindi mo pa kaya. Tell me kapag sumasakit ang paa mo sa bawat tapak."

Nagkunware ako na tila umiimpit sa bawat hakbang habang siya ay todo alalay naman sa akin.

"C-can I try it alone?"

Tumingin siya sa akin na tila naninimbang. "Are you sure?" alangang tanong niya kaya tumango ako. Dahan-dahan niya akong binitawan pero hindi pa rin siya umaalis sa tabi ko. Kunway binabalanced ko ang sarili ko at unti-unting hinahakbang ang mga paa ko.

Matapos ang dalawang hakbang ay may biglang pumasok na ideya sa isip ko kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Dahan-dahan kong hinakbang ulit ang mga paa ko at nagkunwaring natapilok. Dahil sa nakaalalay siya sa akin at marahil ay hindi niya rin inaasahan ang nangyari kaya sabay kaming bumagsak sa damuhan dito sa garden. I heard him muttered curses maybe because of the impact of our fall lalo na at nakadanagan ako sa kanya. Dahan-dahan siyang bumangon habang inaalalayan din ako patayo.

"Are you okay? sh*t, may masakit ba sayo?" bakas ang pag-aalala sa mukha niya kaya hindi ko maiwasang mapaiwas ng tingin.

"I-I'm o-okay, Uhm, balik na lang tayo sa kuwarto ko. Sa susunod na araw nalang ulit tayo mag-practice."

Di na siya umangal sa sinabi ko. Bahagya na lang nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong bumatin imbes na ilagay sa wheel chair ko. Dahil sa ginawa niya hindi ko mapigilan ang umasa dahil sa mga ikinikilos niya. He cares for me right? Dyan na-uumpisa yun di ba?

"You don't need to carry me. May wheel chair naman." kunway sabi ko habang papunta kami sa kuwarto ko.

"Just shut up, Alexandrite. Masyado kasing matigas ang ulo mo kaya ka napapahamak eh." rinig kong panenermon niya. Imbes na mainis ay natawa na lang ako.

Hanggang sa mailapag niya ako sa kama ko ay nanatiling tikom ang bibig ko. Sumusunod lang ang tingin ko sa mga galaw niya. Nang makuntento sa ginagawang pag-aayos ng kung ano-ano sa higaan ko ay tumayo na siya at tumingin sa akin.

"W-what? y-you can go now.." sabi ko sabay iwas ng tingin.

Kumunot naman ang noo nito dahil sa sinabi ko. "Pinapaalis mo na ba ako?"

"Hindi naman sa ganun! A-ano kasi.. baka may kailangan ka pang gawin. Nandyan naman sina manang para alalayan ako. You don't need to be here with me all the time."

I heard him sigh at bahagyang naupo sa paanan ko. Para akong tutunawin sa mga titig niya and swear, ngayon lang niya ako tinitigan ng ganitong katagal. Dahil sa ginagawa niya ay ramdam na ramdam ko ang abnormal na tibok ng puso ko na tangin siya lang ang nakakagawa.

Chasing the Hot Doctor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon