Matapos ang naging pag-uusap namin ay agad niya kaming sinabihan na magbihis na daw. Until now ay naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari but I'm trying to understand our situation dahil sooner or later ay ipapakilala ko na siya sa anak ko. There's no point in delaying it lalo pa at nalaman kong kasal pala talaga kami. I just hope that everything will be clear especially with the things about her Ex.
"Mom, where do you think we are going?" Nakangiting tanong sa akin ng anak ko. Nakasakay kami ngayon sa eroplano at nakakandong siya sa akin habang si Eros naman ay ang siyang nagpapalipad ng eroplano.
I nuzzle his cheeks and kiss it. "I don't know baby eh. Ikaw ba alam mo?"
"Of course, mom! But I will not tell you. Sabi po kasi ni Tito Eros surprise po hihi."
I pinched his nose. "Do you like your tito Eros that much?"
Hd nodded nonchalantly. "Of course, mom. He's always playing with me and he treats me as her son. Sana po siya nalang ang daddy ko no? Nasaan po ba kasi si dad?" Bahagyang lumungkot ang boses na tanong niya.
"Don't worry, baby ko. You'll meet your dad soon, and I know you will be very happy."
Dahil mukhang matagal pa ang biyahe ay sinabihan ko ang anak ko na matulog na muna. Inabala ko naman ang sarili ko sa pagbabasa ng mga online stories sa isang sikat na application. I was so engrossed with what I am reading kaya hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Eros na mukhang kanina pa nakatitig sa akin.
Tumikhim ako at bahagyang inayos ang sarili. "Nandito na ba tayo?" Tanong ko.
"Yes, hon. About 20 minutes ago pa. Your so focus on what you are reading kaya hindi mo namalayan na kanina pa naglanding ang sinasakyan natin." He said chuckling kaya bahagya ko siyang sinamaan ng tingin.
"Gisingin mo na ang anak mo, mag-ccr lang ako saglit." Aniko at hindi na hinintay siyang sumagot.
Pagpasok ko sa banyo ay agad kong ginawa ang dapat na gawin. Hindi na ako nag-abalang magretouch dahil hindi pa naman ako mukhang hagard. Paglabas ko ng banyo ay wala na sa eroplano ang mag-ama ko pati na rin ang mga gamit namin kaya naman ay agad na akong sumunod sa kanila. Pagtapak palang ng paa ko sa unang baitang ng hagdan ng eroplano ay agad na sumalubong sa akin ang sariwang hangun dahilan upang bahagyang ilipad ang buhok ko since hindi ako nagponytail. Sinakop ko ito at saka nagpatuloy sa pagbaba.
"Let's go." Aniya at hinapit ako sa bewang pagkalapit ko palang sa kanila. Buhat niya sa kabilang braso ang anak ko na tulog pa rin hanggang ngayon.
"Where are we?" Tanong ko dahil malawak na damuhan lang ang nilalakaran namin at tanaw na tanaw pa ang kabundukan.
"We're here in Albay. I bought a ranch here nong minsang nagkaroon kami ng medical mission dito. I just love the environment here, so calm and peaceful."
Tumango-tango ako sa sinabi niya at saka inilibot ang paniningin sa paligid. Kaya pala malawak ang damuhan at sariwa pa ang hangin nasa probinsya pala kami, hindi tulad sa Manila na puro usok. Nang mapalapit kami sa mataas na tarangkahang kahoy ay agad niya iyong binuksan at bumungad sa akin ang isang puting two-storey house, sa tabi nito ay isang kubo na natataniman ng mga halamang nasa paso. Habang patuloy kami sa paglalakad ay nadaanan namin ang isang malaking kuwadra kung saan mayroong dalawang kabayo. Isang puti at isang itim na nakatali sa kanya-kanyang kulungan.
"That's Rolex and Maye. They're Freisian breed. By the way, Do you know how to ride horses?" Tanong niya kaya napasimangot ako at umiling.
Takot kasi ako dahil nong bata ako ay nakita kong nahulog ang pinsan ko sa kabayo at nabali ang paa kaya mula noon ay hindi ko na sinubukan pang sumakay.
![](https://img.wattpad.com/cover/307870665-288-k807337.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing the Hot Doctor (COMPLETED)
RomanceSalvador Series 1: Eros Matthew "If chasing you is the only way to get you, I'm willing to chase you until you could no longer runaway from me. Mark my words, Doc. Magiging akin ka rin." Ylorra Alexandrite Marcoza is a typical rich bratty heiress wh...