CHAPTER 27

38 10 0
                                    


"Where are we going Dimi?" tanong ni Mhielle habang nakasilip sa labas ng bintana ng sasakyan niya, tinignan niya ito ng mabilis bago binalik ang tingin sa daan.

"We are going to take a vacation on Isla Paradiso. I bought it a year ago but I have no time to visit that Island." sagot niya.

"And why? Bumili ka ng isla para san?" Mhielle asked while still looking outside the window.

"Nah, I don't know either!" napangiti naman siya nang may maisip. "But maybe I bought it for you," nakangiting aniya habang patuloy lamang sa pag mamaneho.

"Eh? You said you bought it year ago? We just met a month ago Dimi!" nag tatakang anito kaya napahalakhak na lamang siya.

"Neh, nevermind!... Enjoying the view?"

"Yeahh!" masayang sagot ni Mhielle habang nakangiting nakatanaw sa labas. Nakalabas na sila sa Ilocos norte at kasalukuyang tinatahak ang daan patungo sa probinsiya ng Zamboanga. Nadadaanan na nila ngayon ang  sikat na sun flower farm patungong Zamboanga kaya tuwang tuwa naman  ang kasamang niyang si Mhielle. Umabot din ng ilang oras bago nila narating ang lugar na kinaroroonan ng yate na binili niya,,, agad nilang nakita si mang Oscar... ito ang  nag aalaga sa yate niya  at maging sa isla na kaniyang binili... nakaupo ito sa isang upuan habang may hawak na tasa ng kape. Medyo may katandaan na ito ngunit makikita pa rin ang katikasan ng katawan nito.

"Mang Oscar!" tawag pansin niya dito nang makalapit na sila, agad naman itong napatingin sa kanila na may nanlalaking mata.

"Magandang araw sa iyo Iho! Kay tagal na din nung huli tayong nag kita, aba'y napakalaki mo na!" anito ng makalapit sila dito, agad itong yumakap sa kaniya kaya niyakap niya ito pabalik.

"Magandang araw din ho!"

"Narito ka ba para puntahan ang isla na binili mo? Naku iho, matutuwa ka sa madadatnan mo roon, napaka ganda at napaka presko!" may kagalakang anito, tumango naman siya bago tinignan ang yate na binili niya... maayos na maayos pa din ang itsura nito katulad ng dati.

"Thank you for taking care of this yacht and so as the Island Mang Oscar," sinsero at nakangiting anito.

"Ano ka ba Iho, wala lang yan kumpara sa nagawa ng pamilya mo sa pamilya ko... nga pala, sino itong magandang binibini na kasama mo? Iyan ba ay asawa mo?" nakangiting anito habang nakatingin kay Mhielle na ngayon ay naka nga-ngang nakatingin sa yate.

"Siya nga po pala si Mhielle, hindi pa  kami kasal sa ngayon, but soon we will!" sagot niya bago hinawakan ang kamay ni Mhielle kaya agad nitong itinikop ang kaniyang bibig.

"hehe!"

"Ganun ba, natutuwa akong malaman iyan!" ani nito bago nag simulang mag lakad. "Halika, tignan mo ang yateng binili mo na ni minsa'y hindi mo ginamit,"... agad naman silang sumunod dito at tinahak ang munting kahoy na nag sisilbing tulay patungo sa yate.

"I'll guide you," turan ni Dimitrio bago alalayan si Mhielle na dahan dahang tumatawid sa munting tabla.

"Thank you!"

Nang makarating sila sa kabila ay sinalubong sila ni mang Oscar na may malaking ngiti.

"Aba'y napakatamis naman, napaka swerte mo binibini! Iba mag mahal ang mga Puti!". Napailing na lamang siya sa pinag sasabi ng matanda... inilibot niya ang tingin sa paligid, malinis na malinis ang palibot at halatang palaging nililinis.

"Araw-araw ay dinadalaw ko itong yate mo para linisan..." nag lakad ito patungo sa isang pintuan at binuksan ito, tumambad sa kanila ang isang hagdanan patungong ibaba. "Malinis din ang nag iisang kwarto dito, kung ano ang huli mong nakita ay ganun pa din."
Pag ka baba nila ay agad nilang binuksan ang pintuan sa dulo nito, ito ang nag iisang kwarto dito ngunit kumpleto sa kagamitan, merong mini kitchen, mini sala at sa may dulo na katabi lamang ng sala ay ang isang queen size bed, sa may kabilang dulo ay makikita ang isang pintuan na patungo sa CR.

"Wow!" ang tanging nasabi niya, tama nga si Mang Oscar, kung ano ang huling nakita niya ay ganoon pa din ito... kahit na isang beses pa lamang niya itong nakita noon.

"Thank you very much Mang Oscar." aniya bago hinanap ng kung nasaan si Mhielle... nakita niya itong naka upo sa may kama habang may hawak hawak na libro.

"Love!" tawag pansin niya rito kaya agad siya nitong tinignan. "Mag grogrocery tayo, halika na!" aniya kaya agad namang tumayo si Mhielle at lumapit sa kaniya.

"Really? Gusto ko ng Ice Cream." nakangiting anito kaya tumango na lamang siya, tinignan niya si Mang Oscar na ngayon ay nakangiti na ng may kahulugan.

"Aba'y nakakatuwa naman talaga, iyang nobya mo ba ay nag dadalang tao na?" nakangiting tanong nito kaya tumango na lamang siya. "Ako ay natutuwa para sa inyong dalawa, nawa ay pag palain kayo panginoon!" ngumiti naman siya dahil sa sinabi nito.

"Maraming salamat Mang Oscar," sagot niya.

"Nga pala, asan na ang mga gamit ninyo at nang mailipat ko na dito?" tanong nito kaya agad siyang umiling.

"Ako na ho ang bahala—"

"Ano ka ba naman Iho, malakas pa naman ako, at tsaka, hindi ba at mamimili pa kayo?" napabuntong hininga na lamang siya bago nag simulang mag lakad palabas ng kwarto.   
                         ***

"Ito lamang ba ang gamit ninyo?"  tanong nito kaya tumango naman siya. "Oh siya, mag iingat kayong dalaw— ay mali, mag iingat kayong tatlo hahaha!" anito bago sinimulang buhatin amg isa sa mga bagahe nila.

"Sinong tatlo?" bulong sa kaniya ni Mhielle kaya agad niya itong tinignan nang nakangiti.

"It's our future baby love," sagot niya kaya napatango naman si Mhielle,

"You're so cute!" aniya bago pinisil ang pisngi nito kaya agad naman itong napanguso.

"Heh! Tara na nga, I want to eat ice cream already!" pag mamaktol nito bago pumasok sa loob ng kotse, napa halakhak na lamang sya bago pumunta sa drivers seat.

"Look baby, you're mommy has a big appetite!"

"Che! It can't hear you!"

"Yes it is!"

"No it's not!"

"It is!"

"Nakikipag talo ka ba sakin Dimitrio?"

"Sabi ko nga eh hindi!"

Hiding the Emperor's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon