NANG makuha na ni Dimitrio lahat ng mga pinamili nila ni Mhielle kanina ay dagli siyang bumalik sa taas na sinalubong naman ni Mang Oscar."Let's go," aniya bago nag patiunang maglakad, dumaan sila sa isang maliit na tabla patungo sa kabila, meron roong parang tulay na patungo sa isang kubo kubo na madadaanan nila bago dumiretso sa dalampasigan. Pagkadaan nila roon ay dumaan sila sa sementadong daanan bago nila marating ang cabin.
"Where is the key?" tanong niya habang pinagmamasdan ang kabuoan ng cabin. Gawa lamang ito sa kahoy ngunit masasabing matibay ito, sa paligid naman nito ay makikita ang mga makukulay na bulaklak, at maging sa bubungan ng bahay nila ay umabot ang ilan sa gumagapang na mga halaman kaya nagmukha itong bahay ng isang fairy.
"Ayy! Oo nga pala!" anito bago kinapa ang bulsa ng shott nito, "Eto iho," nakangiting inabot nito iyon sa kaniya. Ibinaba muna niya ang kaniyang mga dala baho niya ito inabot at ipinasak sa may seradora, at pagkabukas niya rito ay agad niyang dinampot ang mga pinamili nila bago sila tuluyang pumasok sa loob. Pagkapasok nila ay sumalubong sa kanila ang maliit na sala, meron itong lamesa na gawa sa kahoy ay upuan na gawa rin sa kahoy, meron ding mga kahoy na cabinet na may nakapatong na hugis ng ibon na inukit mula rin sa kahoy. Inilapag niya ang mga dala niya sa may kahoy na lamesa bago lumapit sa may pintuan na nilapitan ni Mang Oscar.
"Ayos! Kumpleto pa ang mga kagamitan!" rinig niyang turan nito kaya't dagli siyang pumasok roon at nadatnan ang matanda na binubuksan ang ilang cabinet, ito pala ay ang kusina.. kagaya nung sa nauna ay halos gawa rin ito sa kahoy, sa bandang dulo nito ay merong lamesa na may apat na upuan at nakatapat sa nakasaradong bintana, lumapit siya roon at binuksan ito at bumungad sa kaniya ang likurang parte ng cabin na merong isang maliit na paliguan.
"What is that?" tanong niya kay Mang Oscar nang makalapit ito sa kaniya, ang tinutukoy niya ay ang salulo na pinang gagalingan ng tubig na pumupuno sa paliguan.
"Iyan ba? Salulu ang tawag riyan, ang tubig niyan ay galing sa may batis sa gitna ng kagubatan, nakakunekta mula roon ang tubig na gagamitin ninyo! Huwag kang mag alala dahil malinis at presko ang tubig na nag mumula roon." Tumango naman siya bago nag umalis sa pwesto niya at sinimulang libutin ang buong kusina, sinilip niya ang mga cabinet na may mga lamang kagamitan, ang iba naman ay wala pang laman, dito na lamang niya ilalagay ang mga dry goods na binili nila, nagpatuloy siya sa pagiikot at nakita niya na may refrigerator, oven at meron ding double burner.
"May kuryente ho rito?" nagtatakang tanong niya.
"Meron iho! Lahat ng mga iyan maging ang ilaw ay kunektado sa may solar panel na naka planta sa may dulo ng dalampasigan, marahil ay hindi mo ito nakita dahil malayo ang kinalalagyan nito." napa tango naman siya dahil roon, nakakahiya na mas marami pang alam ang matanda kesa sa kaniya na may ari ng isla. Nang matapos na niyang i-check lahat ang mga gamit ba ito ay lumabas na sila patungo sa sala. "Iyang pintuan na iyan ay ang sa kwarto ninyo. Nag iisa lang ang kwarto dito kaya't magkatabi kayo ng asawa mong matulog, naku! Ikaw iho, huwag mo masyado pagodin ang asawa mo dahil nag dadalang tao siya!" sermon nito sa kaniya, napakamot na lamang siya sa kaniyang batok bago siya napangiwi.
"Hindi pa po kami kasal Mang Oscar!"
"Duon rin naman patungo iyon. Dapat nga ay pinakasalan mo muna siya bago mo binuntis!" naiiling na anito habang nakatanaw sa may labas ng pintuan, kung saan tanaw ang yate na kanilang sinakyan. "Hayy di bale... nga pala, iyong palikuran ninyo ay naroroon sa may likod bahay, pagkalabas ninyo ng pintuan patungo sa likod ay madadaan ninyo ang pintuan ng palikuran." napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi nito,
"Bakit nasa likod? Pwede namang dito na lamang sa loob?" nag tatakang tanong niya kaya't agad siyang tinignan ni Mang Oscar na parang may nasabi siyang kakaiba.
"Aba! Ikaw ang may gusto niyan, huwag ako ang tanungin mo!" sagot nito, napaisip naman siya sa sinabi nito, bakit naman niya ginustong nasa labas ang palikuran?
"Hayyy, ewan! Babalikan ko ho muna si Mhielle sa may yate, baka magising siya at hanapin ako," pag papaalam niya rito bago siya lumabas ng cabin at tinahak ang daanan pabalik sa may yate.
"Wahhh Dimi! Huhu saan ka ba galing!" salubong sa kaniya ni Mhielle pag ka baba niya, nakabihis na ito at mukhang bagong ligo din.
"I'd just checked the cabin love!" aniya bago hinawakan ang mukha ni Mhielle "Na miss mo naman ako kaagad" nakangising aniya ngunit sinimangutan lamang siya nito.
"Hindi ah! Nakita ko kasing nawawala yung mga plastic bags na pinaglalagayan nung mga pinamili natin... akala ko tinakas mo na, nandun pa naman yung mga pringles ko!" nakangusong anito na naging dahilan ng pag salubong ng mga kilay niya.
"Say what?! Mas hinanap mo pa yung chitchiriya kesa sa akin?" tiim bagang na aniya, ano bang meron sa mga pagkain at bakit mas gustong gusto ito ni Mhielle?
"Eh bakit? Di ka naman mawawala sakin eh, yung Pringles ko pwedeng mawala!" nakanguso pa ding anito kaya't napangiti na lamang siya,
"How do you so sure that you're not gonna lost me?" nakangiti pa ring tanong niya, tinignan naman siya ng seryoso ni Mhielle bago ito sumagot.
"Because I love you, and you love me!" proud na anito kaya't mas lalong lumapad ang mga ngiti niya. "At dahil mahal mo ako, hindi mo hahayaang mawala ako sa piling mo, at dahil duon hindi ka mawawala sa'kin."
"You're right, you will never gonna lost me, and I will never gonna lost you either" seryosong aniya habang nakatingin sa mga mata nitong itim na itim na bumagay sa kutis niyang mala porselana. "Kahit na... kahit na ang iyong ama ... o maging si kamatayan pa ay lalabanan ko wag ka lang mawala sa akin!"
BINABASA MO ANG
Hiding the Emperor's Daughter
RomantikMei Zhao is the currently second princess of Zhao Palace, she is born to be the second empress that every people in their Dynasty been dreaming of. But in her perspective, she doesyt want what she have now, she wants to be free, live all she want an...