Chapter 1 : Capital

315K 9.5K 1.6K
                                    


"Whoa! Ang...ang laki!"

"Utang na loob, Lexi, 'wag ka ngang sumigaw! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao!" pabulong kong sabi sa kanya. Para siyang nahypnotize dahil sa itsura niya.

Pero sabagay, nakakaamaze naman kasi talaga dito sa Capital. Ang lalaki at tataas ng buildings. Ang dami ring sasakyan at 'yung iba ay ngayon ko lang nakita. May ilang floating at flying vehicles din. Iba talaga kapag nasa urban ka.

"Grabe! Ganito pala sa Capital! Sobrang amazing!"

"Tara na, tara na."

Hinatak ko na siya papunta sa may gilid dahil ang daming tao na ang nakatingin sa amin at 'yung iba ay ngumingiti-ngiti pa. Napaghahalataan tuloy na galing kami sa baryo.

"Saan ba tayo tutuloy?" tanong ko sa kanya.

Nagpahinga muna kami sa isang park dahil nakakapagod nang maglakad, lalo na at ang dami-dami naming bitbit na bags.

Natuwa naman ako dahil ang daming naturaes, o nature spirit guardians dito—mostly ay butterflies at iba't ibang species ng ibon. Sila 'yung spirit guardians na kayang manatili dito sa real dimension. Nakapalibot sila sa mga bata, though alam ko naman na hindi sila nakikita ng mga pangkaraniwang tao. Tanging Divians, Seers at Exorcists lang ang nakakakita sa spirit guardians at kayang makipagcommunicate sa spirit dimension.

"Hmm wait lang," tapos may kinuha siya sa bulsa niya. Pagtingin ko, maliit na papel. "Ms. Ariah? Huh? Eto lang?" Binaligtad niya nang paulit-ulit 'yung papel para maghanap ng iba pang nakasulat pero wala siyang nakita. "Kainis si Papa! Dapat pala tinignan ko muna 'tong binigay niya bago tayo umalis!"

"What did you expect? Si Tito 'yun. Gustung-gusto niya na chinachallenge tayo."

Nasanay na ako sa ugali ni Tito. Paano simula bata kami ay lagi na niya kaming dinadala sa gubat o kaya sa bundok doon sa baryo namin. Tapos kapag malayo na kami ay bigla na lang siyang mawawala at iiwan kami. Kung saan-saan na kami napunta at kung anu-anong hayop na ang naencounter namin dahil sa kanya. Kapag naman nakabalik kami sa bahay ng ligtas, tatawa lang siya at sasabihing, "Alam kong makakabalik kayo. Kayo pa."

"Tsk. No choice," sabay huminga nang malalim si Lexi.

"Wait. Gagamitin mo siya?"

"Charlie, sal-ve!"

Spirit particles gathered in front of her. After a few seconds ay nasa harapan na namin si Charlie, a human-sized eagle, one of her guardians.

"Charlie, see this woman? Kapag nakita mo siya, i-alert mo kami. Okay?" then pinakita ni Lexi 'yung picture na naka-attach doon sa papel. After that ay agad-agad na lumipad si Charlie at halos tangayin kaming dalawa dahil sa lakas ng pagaspas ng pakpak niya.

Meron kaming tig-tatlong spirit guardians ni Lexi. Actually, ang dami nga eh. Kasi normally, isa or dalawa lang ang guardian mo. Well, may main guardian naman ako pero hindi ko pa siya kayang i-control kaya 'yung dalawang guardians ko muna ang ginagamit ko. Si Jerry, bigay ni Papa sa akin nung bata pa ako dahil nga lagi akong mag-isa kaya naisipan nilang bigyan na lang ako ng kasama. 'Yung isa ko pang guardian ay bigay naman ni Tito nung first time naming nakabalik ni Lexi nung iniwan niya kami sa gitna ng gubat at sinabi niyang iniwan 'yun ng parents ko sa kanya para ibigay sa akin. And then my main guardian, 'yung huling regalo na natanggap ko mula sa parents ko.

"Ano? May lead na ba?"

"Wala pa. Puro buildings lang 'yung nakikita ko. Charlie, babaan mo 'yung lipad mo."

Lexi can share with Charlie's sight kapag ginagamit niya as guardian. Well, that's actually one of the uses of having a guardian. Magkakaroon ka ng special ability na kayang gawin ng guardian mo and you can communicate and understand each other kahit malayo kayo sa isa't isa.

Guardians | Self-Published under TaralikhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon