"Reika..."
Sinundan ko ang pinanggagalingan ng boses pero hindi ko pa rin makita kung sino ang nagmamay-ari nun. Paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko alam kung nasaan siya...
...hanggang sa bigla na lang akong nahulog sa napakalalim na butas.
Bigla akong napamulat at halos hindi ako nakahinga kaagad. Napabuntong-hininga ako nung naramdaman kong nakahiga ako. Panaginip lang pala.
Inalala ko naman ang lahat ng nangyari bago ako mapunta sa ganitong kalagayan. I remembered the room where Henric challenged us to a battle using our half-animal form and of course, we lost because we used our own life force to maintain it.
Half-animal form, huh?
Hindi ko akalaing magagawa ko 'yun sa ganoong sitwasyon. Ni hindi pa rin ako makapaniwala na nag-merge kami ni Jerry at nakita ko ang memories niya. I felt glad and sad at the same time. Glad because I am part of his memories and I saw our moments from the past but I'm quite sad because I also saw his previous Divian owners, which were my ancestors, including my father. Ngayon nga lang nagsink-in sa akin lahat ng nakita ko sa sarili kong isip nung panahong nasa half-animal form kami ni Jerry.
"I thought you'd be sleeping until tomorrow."
Napatingin naman ako sa pintuan at doon ko lang napansin na nakatayo na pala doon si Ryleigh. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil mukhang ayos na siya.
"Ilang araw na akong tulog?" tanong ko at medyo kinakabahan pa ako dahil hindi ko talaga matantsa ang araw ngayon.
"Two days."
"Oh, God. Wait, ikaw?" Don't tell me ilang oras lang siyang walang malay? Ganun ba kahina ang stamina ko?
"He's been knocked out for 30 hours."
Napatingin naman ako sa likuran ni Ryleigh at nandoon sina Yano at Lexi pero naunahan ako ng gulat nung nakita ko kung gaano sila kadumi dahil punung-puno ng lupa, putik at may ilan pang dahon at sanga ang buong katawan nila.
"Morning, Rei!" bati ni Lexi.
"A-anong nangyari sa'yo, Lexi? Bakit..." sabay tingin ko sa kanya mula ulo hanggang paa.
"We're training under the supervision of Miss Adrielle," sagot naman ni Yano habang pinupunasan ang putik na humaharang sa salamin niya.
"Rei, mas malala pa siya kay Master. Seryoso."
Bigla naman akong natakot dahil sa seryosong expression ni Lexi. Grabe na nga ang pinaggagawa namin nung under kami ni Master pero ngayon, sinasabi niyang mas matindi pa ang training kay Adrielle? I knew it. Her angelic face doesn't match her personality at all.
"What do you expect? After all, she's the director of the Divine Camp," dagdag ni Ryleigh.
Agad namang umalis 'yung dalawa dahil maliligo lang daw sila nang mabilis. Masyado na raw kasing mabigat ang mga damit nila at hindi sila makagalaw nang maayos kaya binigyan sila ni Adrielle ng oras para linisin ang mga sarili nila.
Bumangon naman ako at nagulat ako dahil ayos lang ang pakiramdam ko at parang wala man lang nangyari na kahit ano. I guess resting for two days made me well.
"I'll go ahead," biglang sabi ni Ryleigh at tumango na lang ako. Nung umalis na siya ay saka lang ako nagprepare. Kinain ko ang pagkain na nakahain sa tabi ko at saka ako naligo. Pagkatapos nun ay lumabas na rin ako sa kwarto at nag-ikut-ikot sa Hydra.
Hindi ko 'to nagawa nung unang pagdating ko rito at nung sinubukan ko rin nung wala nang tao, pero ngayon, mukhang magagawa ko na. Bawat madadaanan kong hallway ay may nakikita akong spirit particles sa paligid. Sa totoo lang, sobrang taas ng concentration ng spirit particles sa Hydra at hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa Spirit Masters? Sa Divine General?
BINABASA MO ANG
Guardians | Self-Published under Taralikha
FantasyAfter hearing a terrifying prophecy about her life, Reika had to become a stronger Divian to protect herself from the looming danger. Together with her best friend Lexi, they traveled to the Capital for an apprenticeship under a Spirit Master, but e...