Umaga na at halos lahat kami ay hindi natulog dahil sa nangyaring pag-atake ng Exorcists. After matalo ni Adrielle si Agnes ay bigla siyang niligtas ng kasama niya. If I remember correctly, his name is Garan. Nakatakas agad sila at nabalot ng katahimikan ang Camp.
"Cies yvri kai," sabi ni Adrielle at nagliwanag ang buong paligid niya. Nakita ko pa ang forms ng dalawa niyang Guardians bago sila tuluyang mawala at bumalik sa dati ang itsura ni Adrielle. Napalitan din ang seryoso niyang mukha ng isang ngiti at hindi ko alam kung bakit ako natakot. Ngayong alam ko na kung ano ang totoong personality niya, hindi ko na ulit siya makitang maganda lang. She's a dangerous beauty.
Lumapit si Adrielle kay Lorgan at halos lahat ng Divians ay tumakbo papunta sa kanya.
"Seriously Lorgan, don't let them turn this paradise into some unpleasant place."
"Sorry. Hindi ko akalaing aatake sila agad."
"I'm glad you guys are all safe," sabi niya sa Divians habang nakangiti at karamihan ng mga bata ay umiiyak na.
Nakahinga naman ako nang maluwag after that and at the same time ay doon ko naramdaman ang panghihina ng katawan ko dahil sa paggamit ko kay Phoebe. Well, at least I didn't faint.
Bigla ko namang naramdaman ang kamay ni Ryleigh sa noo ko.
"You're hot," sabi niya at ramdam ko ang lamig ng kamay niya. "Dahil sa Guardian mo?"
"Siguro." Napapikit ako dahil nakakakalma ang lamig sa noo ko.
Bigla kong naalala ang nangyari nung tinawag ko si Phoebe kanina. She used my life force to stay on this dimension. That means my strength is still not enough for me to use her. It's really frustrating but I wish I can fight with her without running out of stamina or fainting.
"Reika, isn't it?"
Napadilat naman ako nung bigla kong narinig ang boses ni Adrielle at naramdaman ko rin na naging tensed si Ryleigh. Pareho kaming bumaba mula kay Bob at pinabalik siya ni Ryleigh sa spirit dimension.
"Y-yes," sagot ko naman at nagising ang diwa ko dahil sa presence niya.
"The blue phoenix is yours, right?"
"O-opo." Bigla namang tumaas ang isa niyang kilay kaya napaatras ako pero nagulat ako nung natapakan ko ang paa ni Ryleigh. Nagsorry ako sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Why do I feel like you're scared of me?"
Yeah. I'm really scared of you. Gusto ko 'yung sabihin pero baka bigla siyang magalit at magtransform into her hybrid form. I'm not yet ready to see that again.
"Anyway, thanks to you that I managed to arrive on the right time. But be careful. You almost lost your life."
"Y-yeah."
"Now both of you," sabay tingin niya kay Ryleigh pabalik sa akin. "Come with me. We're going back to Hydra."
Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay lumakad siya palayo sa amin at doon lang nagsink-in sa akin ang sinabi niya. Nagkatinginan pa kami ni Ryleigh para i-confirm na tama nga ang rinig namin.
BINABASA MO ANG
Guardians | Self-Published under Taralikha
FantasyAfter hearing a terrifying prophecy about her life, Reika had to become a stronger Divian to protect herself from the looming danger. Together with her best friend Lexi, they traveled to the Capital for an apprenticeship under a Spirit Master, but e...