Chapter 6 : Voice

168K 6.6K 371
                                    


One week.

One week pa lang ang nakakalipas after the new training regimen pero pakiramdam ko ilang taon na naming ginagawa 'to. Ngayon namin napatunayan na amasona talaga si Master. Mas lalo ko tuloy minahal ang salitang pahinga dahil sa mga pinapagawa niya sa amin.

"Ten seconds!" sigaw niya mula sa kabilang side ng lake.

Nakikita ko na namang nag-giggle 'yung ibang aquainas sa paligid ko. Mukhang nag-eenjoy din sila sa paghihirap namin. Pero ang bilis ng oras! Ten seconds na lang para magstay sa lake at gumaan ang pakiramdam namin pero parang ang bigat pa rin ng katawan ko sa sobrang pagod. Hindi kasya ang two minutes dito sa lake.

"Tortos."

Gumalaw lang si Tortos doon sa pwesto niya ay nagcause na ng malaking wave, dahilan para madala kami doon sa harapan ni Master. Ayaw ko pa sanang umahon dahil pagod na pagod pa 'yung katawan ko pero maging 'yung aquainas ay nakisali na rin sa pag-ahon sa amin. Tumaas ng kaunti 'yung waves at tumilapon kami ni Lexi sa lupa.

"Ouch! Ang sakit nun ha!" sigaw ni Lexi doon sa tubig at nag-giggle 'yung aquainas sa kanya.

"Okay. Now, another two laps then call your first and second guardians."

For one week, ganito lagi ang ginagawa namin. Nung unang araw, same day na umatake 'yung exorcists, hindi pa maprocess ng utak ko 'yung sinabi ni Master. Pinaikot niya kami nun sa lake for two times, then pina-summon niya sa amin sina Charlie at Jerry. Kahit na madali lang silang isummon, halos maubos 'yung lakas ko nun dahil sa pagtakbo. Kahit maliit 'yung lake compared sa iba, masyado pa ring nakakapagod. Tapos habang nandito sa real dimension sina Jerry at Charlie ay binibigyan kami ni Master ng lessons sa self-defense at attacking. One time ay bigla na lang niya akong hinawakan sa paa at kwelyo tapos muntik na niya akong ibalibag. Buti na lang at napigilan ko siya dahil sa sobrang takot na baka mamatay ako.

Tumakbo ulit kami ni Lexi paikot sa lake at kahit kakaahon ko lang doon ay pakiramdam ko, pagod na ulit ang katawan ko. At ang nakakainis pa, habang tumatakbo kami ay sinusundan kami ng ilang aquainas na lumalangoy sa gilid ng lake at pinagtatawanan kami. Dati ay nahihirapan pa akong makita sila sa tubig dahil kasinlaki lang sila ng kamay ko at sa transparent nilang katawan pero ngayon, hindi na. Minsan nga natetempt akong hulihin sila dahil lagi nila kaming pinagtatawanan pero hindi ko rin magawa dahil masyado silang mabilis lumangoy.

After an hour or more ay natapos na rin namin ang dalawang laps at tumayo kami sa harapan ni Master habang hingal na hingal. Hindi na niya kami pinabalik doon sa lake para magpahinga.

"Now summon your first and second guardians," sabi ni Master kaya sinunod agad namin siya.

"Charlie, Smith, sal-ve."

"Jerry, Carlos, sal-ve."

Nagmaterialize sina Jerry, Charlie, Smith at Carlos sa harapan namin and at the same time ay nagcollapse ang mga binti namin ni Lexi dahil sa sobrang pagod. Pakiramdam ko ay may nakadagan sa akin at parang may humuhugot pa lalo ng lakas ko. Well, at least hindi kami nawalan ng malay. Nung first to third day kasi ay lagi kaming nahihimatay after summoning our guardians. Sabi ni Master, mahirap daw talaga pagsabaying isummon ang dalawang guardians para sa beginners pero wala kaming magagawa dahil kailangan naming matutunan 'yun.

Unti-unti namang nawala ang guardians namin ni Lexi dahil wala na kaming lakas at nang tuluyan na silang bumalik sa spirit dimension ay napahiga na lang ako sa sobrang pagod.

"Good. Tumagal ang guardians niyo for three minutes, given that you're exhausted. Lily, sal-ve!" Nakita namin na nag-appear si Lily sa taas namin at mukhang alam ko na kung saan hahantong 'to.

Guardians | Self-Published under TaralikhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon