Nakaupo ako ngayon sa harapan ng isang malaki at lumang libro pero hindi ako nakatingin doon. Natatakot ako sa pwede kong makita o mabasa kaya naman kay Master napunta ang tingin ko.
"This is the Book of Prophecies," the Divine General said. "Written by the best Seers from the ancient times up to the present." Pagkasabi niya nun ay napatingin ako sa kanya pabalik sa librong nasa harapan ko. "Major and minor prophecies were recorded here and some of them already happened..."
The book was four or five times bigger and thicker than a normal book. The pages were already brittle and delicate due to its age but I can feel the radiating power of each words written.
"...while some is already happening and will surely happen," pagtatapos niya.
Kinilabutan ako nung narinig ko 'yun dahil alam kong totoo ang sinasabi niya. Prophecies are powerful words chanted by Seers. And these words will happen, based on our interpretations, whether we like it or not.
Sa page na natapat sa akin ay nakita ko ang prophecy na binanggit ni Tita Aina. Parang ang tagal na nung huli kong narinig iyon pero ngayong nababasa ko ulit ay bumalik lahat ng naramdaman ko noong una ko iyong napakinggan.
Where the havoc has ended,
Another will be started;
Fangs and wings shall decide,
The Shadow will be your guide.
Hell will breathe its fire and rage,
Until the seal and the Guardian break their cage;
The dead shall take the blame,
And the Divian burns in flame.
I shivered. I can't believe that four days from now, this prophecy might come true. No. It will really happen.
"Ito ang propesiyang sinabi ni Aina," sabi ni Divine General. When I looked at the three Spirit Masters behind him, I saw their dark and grim expressions.
"Alam n'yo na po ba ang ibig sabihin ng mga linya sa prophecy?" tanong ko at ramdam ko ang tensyon sa loob ng kwartong ito. Ngumiti naman sa akin ang Divine General at tumingin sa direksyon ng Spirit Masters.
"Yes, but I think they should be the ones explaining this to you." Nalito naman ako nung bigla siyang naglakad palayo at mukhang aalis na siya mula rito.
"A-are you leaving already, Divine General?" tanong ko at lumingon naman siya.
"Marami pa akong dapat gawin. Pumunta lang ako rito para tignan kung handa ka na ba talagang harapin ang katotohanan. At ayon sa iyong mga mata, handa ka na."
Pagkasabi niya nun ay natulala na lang ako at tinignan ko siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Lumapit naman sa akin ang tatlong Spirit Masters na nandito ngayon at umupo si Astrid sa harapan ko habang sina Henric at Master ay nasa magkabilang-gilid ko.
"Just like what Divine General Arsen said, prophecies are absolute. And this second havoc prophecy will certainly happen," Astrid said as her fingers trail the pages.
"Pero paano kayo nakakasiguro na may kinalaman nga ako sa prophecy? Paano kung...paano kung nagkamali lang si Tita Aina?" giit ko.
At first, I was actually excited and curious about what my role would be on this prophecy that Tita Aina accidentally talked about. Pero ngayong papalapit na ang labanan, mas nangibabaw ang takot ko. Takot sa responsibilidad na pwedeng mapunta sa akin.
BINABASA MO ANG
Guardians | Self-Published under Taralikha
FantasyAfter hearing a terrifying prophecy about her life, Reika had to become a stronger Divian to protect herself from the looming danger. Together with her best friend Lexi, they traveled to the Capital for an apprenticeship under a Spirit Master, but e...