Chapter 31 : Nightmare

119K 5.3K 569
                                    


Nakabalik ako sa Divine Camp at kinalma ko ang sarili ko dahil ayaw kong makita nila akong wala sa sarili. I went to our cabin and saw Ryleigh sitting on the bed. We looked at each other, as if we know what we need to do. We need to go to the Capital.

"Let's go," we simultaneously said.

Agad akong nag-ayos at kumuha ako ng supplies na nasa loob ng cabin. Kung lalakarin namin hanggang sa Capital ay aabutin kami ng ilang oras, pero ngayong may kaguluhan na sa paligid ay mukhang aabutin pa kami ng kalahati hanggang isang araw. I packed a few bottled water and food, spare clothes and a knife. After that, we both quietly left the cabin and headed to the forest.

Noong nasa gubat na kami ay agad naming nakita ang ilang silvanias, at para hindi sila matakot ay iniwasan namin sila. Mahirap na. They can produce earthquakes if they feel threatened and we really don't want that right now.

"By the way," biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "I owe you one."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nauna siya sa akin sa paglalakad. Wait. Is that his way of saying thank you for what I did to him? Oh well.

Nakarating kami sa pusod ng gubat kung saan malayo na ang Divine Camp. Tahimik lang kaming naglalakad nang bigla na lang lumindol kaya napahawak agad ako sa punong katabi ko. I think the earthquakes will be constant from now on because of the silvanias and the threat brought by the Exorcists.

"The sun's setting down," sabi niya at doon ko lang napansin na dumidilim na pala. Hindi pa man din kami nakakalayo ay kailangan na naming huminto sa paglalakad. "Maghanap na lang muna tayo ng pwedeng pagpalipasan ng gabi."

Naglakad kami papunta sa isang burol na napapaligiran ng puno at may kwebang nabuo sa ilalim. Pumasok kami sa loob at agad akong umupo dahil sa pagod. He easily made a fire using our resources and settled down our things. I guess we really need to rest first since I don't think I can continue walking with my fatigue.

Hindi ko alam kung bakit sobrang pagod ako ngayon. Wala naman akong ginawa maliban sa pagkarinig ko kanina sa mga Exorcist.

"Are you okay? You look pale." Napatingin ako kay Ryleigh at nagliwanag ang mukha niya dahil sa apoy.

"Y-yeah. I guess."

Sumandal ako sa malaking bato sa loob para makapagpahinga, pero hindi ko namalayan na naka-idlip na pala ako.


***

"Reika . . ." That voice.

"Where are you?"

"You shouldn't have look into his eyes."

"Whose eyes?"

"Ignus."

After the voice said that name, the image of a middle-aged guy that I saw earlier came to view. But this time, he's not looking at me. There's someone in front of me, but I can't see her because of the blinding light.

"I finally found you, Princess," sabi ni Ignus.

Princess? Is she talking about the girl who's in front of me? The voice that invades my mind?

"Where is the seal? Give it to me before I destroy this world," he said with authority and I flinched by the intensity of his words.

"I won't allow you to destroy it again. What happened before was enough."

Hindi ko alam pero kapag naririnig ko ang boses ng babae ay laging gumagaan ang pakiramdam ko. It feels like she's looking after me. She's always beside me. I wonder who she is . . .

Guardians | Self-Published under TaralikhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon