"My God! Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari! Ang sakit sa ulo!" sigaw ni Lexi habang nag-aayos ng gamit.
"You're not alone. Hindi ko na nga rin naiintindihan 'yung iba. Pero at least, babalik na si Master sa pagiging Spirit Master."
"Oo nga. The Amazon Divian is back."
Ngumiti kami sa isa't isa dahil natutuwa kami para kay Master pero nakakalungkot lang na hindi na niya kami masusupervise sa training. Ni hindi man lang namin napakita sa kanya 'yung improvement namin.
"Hindi pa ba kayo tapos?" Napatingin ako sa bintana at nakasilip mula sa labas si Ryleigh habang si Yano ay nakatalikod.
"Sandali lang."
Sumama silang dalawa papunta rito dahil wala naman daw silang gagawin at may gamit naman daw sila doon sa Divine Camp since nagsstay sila doon once in a while. Ayos lang naman since pinagamit sa kanila ni Gavin ang isang praevala kaya hindi na namin kailangang sumakay ng train at maglakad papunta sa Divine Camp.
Nung natapos na kami ay agad-agad kaming lumabas dala ang tig-isang maleta namin. Tinulungan nila kami na isakay ang mga 'yun sa praevala at pinaandar kaagad 'yun ni Yano.
Nasa likuran ako at katabi ko si Ryleigh dahil pinili ni Lexi na umupo sa tabi ng driver's seat. Tahimik lang ako dahil mukhang natutulog si Ryleigh. Nilabas ko mula sa bag ko ang wooden tablet na dating pinamamahayan ni Phoebe pero ngayon ay ordinaryong kahoy na lang. Hindi ko alam pero simula nung namarkahan ko si Phoebe, lagi ko nang nilalabas 'to kapag nababother ako sa ilang bagay. Kahit papaano ay napapakalma ako nito. Siguro dahil dito ko nakita ang image nina Mama at Papa kahit hallucination ko lang 'yun.
Nagulat naman ako nung biglang bumagsak ang ulo ni Ryleigh sa balikat ko. Hindi tuloy ako nakagalaw dahil natatakot akong baka magising siya, pero medyo inayos ko ang posisyon ko para hindi kami mangawit parehas. Saktong napalingon sina Yano at Lexi kaya nagpanic ako at nag-isip agad ng pwedeng sabihin.
"Pasensya ka na. Hayaan mo muna siyang matulog," sabi ni Yano.
"O-okay." Mukhang hindi ko na kailangang magsabi ng kung ano sa kanya pero si Lexi, iba ang tingin sa akin. Inirapan ko na lang siya at narinig kong nagsnicker ang bruha.
"Ito lang ang oras para matulog siya kaya mas mabuting pagpahingahin na lang natin siya," dagdag pa ni Yano habang tumingin na sa harapan at nagpatuloy sa pagdadrive.
"Bakit? Hindi ba siya natutulog sa gabi?" tanong ko.
"More like, he can't sleep at night."
"Bakit?"
"And I think I'm in no position to tell you the story. Sorry."
"Oh. Okay lang."
Naging tahimik ang buong byahe namin at hindi ako gumalaw masyado. Ilang minuto rin ang tinagal ng byahe at nung nakita ko na ang bukana ng gubat kung saan kami pumunta kanina. Tinusuk-tusok ko ang mukha ni Ryleigh para magising siya pero nung dinilat niya ang mga mata niya ay sumalubong sa akin ang matalim na tingin kaya napaatras ako. Bumuntung-hininga siya at lumabas bigla ng praevala.
Tss. He's really rude!
Lumabas na rin ako at dinala ang mga gamit ko. Dumaan kami sa gubat at nakita kami ng silvanias kaya ginuide nila kami papunta sa Camp. Pagdating namin doon ay naabutan namin si Lycus na tinetrain ang ilang bata na siguro ay nasa twelve or thirteen pa lang. Nakita niya kami at agad siyang tumakbo sa direksyon namin.
"Whoa. Sabi ko dumalaw ulit kayo pero hindi ko naman akalain na pagkatapos lang ng ilang oras!"
"Hindi ba sa'yo sinabi ni Ms. Adrielle?" tanong ni Yano. "Sabi ni Sir Gavin, ininform niya na raw ang Camp Director."
BINABASA MO ANG
Guardians | Self-Published under Taralikha
FantasyAfter hearing a terrifying prophecy about her life, Reika had to become a stronger Divian to protect herself from the looming danger. Together with her best friend Lexi, they traveled to the Capital for an apprenticeship under a Spirit Master, but e...