Hindi ako makatulog.
Pagtingin ko sa kabilang kama ay tulog na tulog si Lexi. Bumangon na lang ako dahil tatlong oras na yata akong nakapikit lang pero hindi naman ako inaantok. Dala na rin siguro ng mga nangyari kanina.
Lumabas ako sa cabin at napatigil ako nung nakita ko ang paligid. Sobrang ganda. Kahit na madilim ay kitang-kita ang lake dahil sa liwanag ng buwan. Full moon pala ngayon.
Mabagal akong naglakad papunta doon dahil tinitignan ko rin ang kabuuan ng Divine Camp. At gaya ng ginagawa ko dati noong sa bahay pa kami ni Master nakatira, umupo ako malapit sa lake. Pagtingin ko sa lake, hindi na ako nagtaka nung makakita ako ng aquainas doon. Bigla ko tuloy namiss ang bahay ni Master kahit na maliit lang 'yun at kaming tatlo lang ang nakatira doon.
I watched the aquainas swim on the lake under the moonlight. Halos mag-illuminate din ang mga katawan nila kaya kitang-kita ko ang mga galaw nila. Napansin ko naman na napatigil sa paggalaw ang isang aquaina at nakatingin lang siya sa akin. Bigla ko naman ang pagform ng kakaibang liquid sa full black eyes niya and somehow, kahit nasa tubig siya, alam kong luha ang mga 'yun. Hindi ko alam pero biglang bumigat ang pakiramdam ko. I extended my left arm to reach it but someone grabbed my right.
"Don't."
Nawala bigla ang urge ko sa pag-abot sa aquaina nung marinig ko ang boses sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko si Ryleigh na hawak ang kanang braso ko dahil halos malalaglag na ako sa lake. Hinila niya ako at napaupo ulit ako sa lupa. Pagtingin ko ay wala na ang aquaina sa harapan ko.
"They can heal your wounds and induce sleep but they can also feel your emotions...especially the feelings that are connected to your loved ones."
Pagkasabi nun ni Ryleigh ay naupo siya sa gilid ko, habang ako ay biglang napayakap sa buong katawan ko. Saka ko narealize na kaya pala kapag nasa lake kami ni Lexi dati, lagi kong naaalala sina Mama at Papa kapag malapit na akong mawalan ng malay. I never thought these aquainas have this kind of ability.
Saka ko naman napansin na hindi siya tumitingin sa lake. Habang nakatingin ako sa kanya ay naha-highlight ang facial features niya dahil sa liwanag ng buwan. Kapag nakikita ko siya, lagi siyang confident at minsan ay seryoso. But right now, he looks so...peaceful and serene. Parang ibang tao siya.
Bigla ko namang naalala ang sinabi ni Yano kahapon. "Pasensya ka na. Hayaan mo muna siyang matulog. Ito lang ang oras para matulog siya kaya mas mabuting pagpahingahin na lang natin siya."
He said he doesn't sleep at night, or more like he can't. I wonder, why?
"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko pero nakatingin ako sa buwan at hindi sa kanya.
"I don't sleep at night," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Why?"
Ilang segundo na ang nakakalipas pero tahimik lang siya. Sabi na nga ba at hindi niya sasabihin. Sabagay, hindi naman kami ganun kaclose para sabihin sa akin ang dahilan. Pero nacucurious pa rin ako.
"Patay na ba ang mga magulang mo?"
I was caught off-guard by his question. Without any hint of hesitation and in the middle of silence, he asked it. Ito ang unang beses na may nagtanong sa akin ng diretso tungkol sa parents ko. Akala ko mao-offend ako but I found myself nodding.
"I thought so."
"Paano mo nasabi?" tanong ko habang nakatingin sa kanya at tumingin din siya sa akin.
"You looked like her. Kamukha mo ang Mama mo."
Mentioning that word made it harder to breathe. It felt like the air inside my lungs was sucked out. Nag-linger lang ako sa isip ko ang mga salitang binitiwan niya pero ayaw magsink-in. Ilang minuto pa ang nakalipas bago ako nakapagsalita.
BINABASA MO ANG
Guardians | Self-Published under Taralikha
FantasyAfter hearing a terrifying prophecy about her life, Reika had to become a stronger Divian to protect herself from the looming danger. Together with her best friend Lexi, they traveled to the Capital for an apprenticeship under a Spirit Master, but e...