"Kass and Ramon, your parents, were also Spirit Masters."
Pagkarinig ko nun, akala ko ay mabibigla ako, pero simula noong naging Master ko si Ariah at idagdag pa na nalaman kong Spirit Master din si Tito Leon, sa loob-loob ko ay alam kong malaki ang posibilidad na sina Mama at Papa ay naging Spirit Masters din.
At tama nga ako.
But when Sir Arsen, the Divine General, confirmed it, there was still an astounding effect on me. Also, I saw some familiar statues along the hallway a while ago and Adrielle said that those statues are tributes to the previous Spirit Masters and their guardians. Nung nakita ko ang dalawang statues na halos kamukha nina Flare at Aron ay lalo lang tumaas ang hinala kong Spirit Masters nga ang mga magulang ako.
"Mukhang alam mo na ang tungkol doon," Sir Arsen said and I flinched. Hindi ko alam kung bakit pero parang kahit ang mga binibitiwan niyang salita ay may pressure din at nakakadagdag sa tension dito sa loob ng kwarto.
"Y-yes, Sir. M-may hinala na ako bago pa man din ako makarating dito," sabi ko sa kanya at nakita kong tumingin sina Lexi, Yano, Ryleigh at maging ang Spirit Masters sa akin kaya hindi na ako nakagalaw sa pwesto ko.
"Hoooh, so you're the daughter of that duo," rinig kong sabi ni Henric at napaiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay pinag-aaralan niya ako.
"No wonder. She's got a phoenix as her main guardian just like his father," sabi naman ni Adrielle kaya naalala ko bigla si Papa.
Siguro ay six or seven ako that time noong una kong makita si Flare. She's a phoenix with red and orange flames as her feathers, and she's my father's main guardian. Sa kanya pa dati si Jerry at siya lang ang lagi niyang pinapalabas sa spirit dimension para may kalaro ako sa bahay. Pero one time, nagising ako sa kalagitnaan ng gabi at nakita kong wala sa tabi ko sina Mama at Papa kaya natakot ako. Akmang iiyak na ako nung may narinig akong pagaspas sa labas ng bahay kaya sumilip ako...at doon ko nakita si Papa habang nakasakay sa likod ni Flare at halos nagliwanag ang buong paligid dahil sa kanya.
"Ang ganda..." Naaalala ko pa ang sinabi ko noon pero pagkatapos nun ay nagulat ako nung niyakap ako ni Mama mula sa likuran.
"Natakot ka ba, Reika?" sabay ngiti niya at bigla akong naiyak. Tumango ako sa kanya at niyakap niya ako. "Matulog na ulit tayo."
Pagkatapos nun ay bumalik na kami sa kwarto at hindi ko na maalala ang mga sumunod na nangyari. Basta ang alam ko lang ay nakatulog ako habang yakap si Mama.
"I...I have a question," tanong ko kay Sir Arsen matapos kong maalala ang mga magulang ko at hinintay niya ang sasabihin ko. "Ano ang dahilan ng pagkamatay nila? Gusto kong marinig ang totoong nangyari sa kanila galing sa mga nakasama nila during that Havoc."
"Reika..." bulong ni Lexi pero hindi ako nagpatinag kahit na nararamdaman kong tutulo na ang luha ko anumang oras.
Lumaki akong mag-isa dahil sa nangyaring Havoc at hindi ko man lang alam ang totoong nangyari. Binalita na lang sa akin na kasama sila sa mga namatay. Ni wala man lang sinabing dahilan o kahit ano. Sa isang iglap, nawalan ako ng mga magulang.
Nakita kong nagtinginan ang Spirit Masters at lalong tumaas ang pressure dito sa loob ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Guardians | Self-Published under Taralikha
FantasyAfter hearing a terrifying prophecy about her life, Reika had to become a stronger Divian to protect herself from the looming danger. Together with her best friend Lexi, they traveled to the Capital for an apprenticeship under a Spirit Master, but e...