Chapter 13 : Survival

136K 5.7K 664
                                    


Ugh.

Napahawak ako sa ulo ko nung makaramdam ako ng sakit. Nakarinig din ako ng mga pagsigaw kaya dinilat ko ang mga mata ko pero napapikit ako dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko.


"You're awake. Good." Nakita ko ang mukha ni Ryleigh pagdilat ko at doon ko narealize na nakahiga ako sa binti niya habang nakasandal siya sa isang puno. Agad akong bumangon pero medyo nahilo ako. Bigla naman niyang hinawakan ang noo ko at tinulak niya 'yun kaya napahiga ulit ako sa kanya. "Wala ka pang masyadong tulog, magpahinga ka muna," sabi niya sa akin pero sa ibang direksyon siya nakatingin.


Bigla ko namang naalala lahat ng nangyari kanina. The last thing I remember was him holding me tightly so I won't fall from Kon.


"Lagi na lang ba kitang sasaluhin?"


Okay. Did he really say that? Or that was just my own thoughts?

I pushed back those thoughts to the corner of my mind. Dahil nakahawak pa rin siya sa noo ko at nirerestrict niya ang pagbangon ko, tumingin na lang ako sa direksyon na tinitignan niya...at napanganga ako nung makita ko kung anong nangyayari.


"What the..."

"He's doing the same thing he did to us."


His wolves are chasing the Divians back and forth and some of them already fell to the ground, sustained some injuries and lose consciousness. I scanned the Divians and saw Lexi, Yano and Lycus, and they are pretty much standing out. Nakakaya nilang takasan ang wolves pero kita ko sa expression ni Lexi na unti-unti nang nadedeplete ang stamina niya.


"Did we pass his test?" tanong ko bigla.

"No." I can hear a hint of bitterness in his voice.

"I thought so. Ilang minuto kang tumagal? I think I only lasted for about thirty five minutes."

"Fourty eight minutes."


Wow. Nakatagal pa siya ng ilang minuto after kong mawalan ng malay? Wait. Am I with him during that time? Hindi kaya ako ang dahilan kung bakit hindi siya nakaabot ng isang oras? Dahil ba naging pabigat ako?


"The hell with that expression?" saka ko napansin na nakatingin na pala siya sa akin habang nakakunot ang noo niya. "Huwag mong sabihing sinisisi mo ang sarili mo?" Ugh. He reads my expression really well.

"W-well, sort of. I mean..."

"That has nothing to do with you. His guardians are really strong and I ran out of stamina."


Tumahimik ako after that at pinanood ko na lang ulit mula rito ang Divians na patuloy na tumatakas kina Romulus at Remus. Suddenly, I remembered our conversation before all those chasing.


"Hey..." Tumingin ako sa kanya at yumuko naman siya para tumingin sa akin. "Pwede bang malaman kung...kung anong nangyari kina...Mama at Papa?"


Pinigilan ko ang luha na nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. Saying those words hurt me so much but I want to know what happened to them. Sabi niya, niligtas daw siya ni Mama during the Havoc. Naging seryoso naman ang expression niya at naramdaman ko ang pagtense ng katawan niya.

Guardians | Self-Published under TaralikhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon