Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko dahil parang nakakaperify ang tingin sa akin ng crow sa may taas ng puno. Nararamdaman ko pa rin ang vibration ng lungs ni Carlos kaya alam kong nakakaramdam siya ng panganib. Ang nakakatakot pa ay pulang-pula ang mata ng crow at kasinlaki rin siya ni Charlie. Hindi ko rin alam kung susugod ba siya o inoobserve niya lang kami.
The crow suddenly cawed and the aquainas swam to the furthest part of the lake. Maging si Carlos ay nagreact din at mas lumakas ang vibration ng katawan niya. It feels like he's going to roar anytime. And he did. He bared his fangs and he ran towards the tree where the crow is.
"S-stop, Carlos! Cessante!" Carlos immediately stopped but he keeps on growling and glaring at the crow. Ganun din ang ginagawa ng crow. It keeps on cawing and observing us with it's sharp red eyes.
Tumingin agad ako sa paligid at hinanap ko kung may Divian bang nagsummon sa kanya pero wala akong makita. Maybe he or she is hiding.
"Charlie, sal-ve!"
Nagulat ako nung narinig ko ang boses ni Lexi at pagtingin ko sa likuran ay nakatayo siya sa kabilang side ng lake habang naggagather sa taas ang spirit particles ni Charlie. After a few seconds ay lumipad si Charlie papunta sa position ng crow and he's ready to launch an attack. Pero biglang nagdisintegrate ang particles ng crow at nawala na lang na parang bula. Agad-agad kong pinatakbo si Carlos papunta kay Lexi at lumipad din si Charlie pabalik sa kanya.
"What the heck is that?" tanong kaagad niya nung makababa ako kay Carlos.
"A crow. Ewan ko pero parang inoobserve niya kami kanina."
"That's dangerous. Crows are usually used by Seers because of their intelligence. Katulad na lang ni Ray na guardian ni Mama."
Tumango ako at naalala ko ang ibon na 'yun. Ang akala ko kasi dati ay crow si Ray pero nung narinig niya 'yun ay sinugod niya ako nang sinugod hanggang sa mamaga ang noo ko dahil sa tuka niya. Hindi ko naman alam na raven pala siya dahil halos magkapareho ang itsura ng crows at ravens.
"Alam niyo ba kung bakit sila ang kadalasang ginagamit?"
Pareho kaming napatingin ni Lexi sa likuran at nakita namin si Master na nakaupo sa may terrace habang nagsisindi ng sigarilyo. Ni hindi ko man lang naramdaman na lumabas siya o nandoon siya. Teka, nakita niya rin ba 'yung crow kanina?
"It's because they have cognitive abilities and they can help the seers by giving fragments of insights. I'm sure that that crow is owned by a Seer." Lumabas siya sa terrace at nilapitan niya kami habang nakatingin sa langit. Madilim pa rin pero nag-iilluminate sa lake ang full moon kaya nakikita ko nang mabuti sina Lexi at Master.
"Pero Master, bakit may crow dito?" tanong ni Lexi.
"Para bantayan ang galaw natin. Hindi ko alam kung sino ang nagpadala rito pero paniguradong kakampi siya nina Amos."
Bigla ko namang naalala ang pag-uusap na nangyari dati tungkol sa ancient seal of immortality. Hindi pa rin ako makapaniwala na totoo 'yun at target ang Spirit Masters ngayon dahil sa kanila lang umiikot ang seal na 'yun. Isa na doon si Master na kilala bilang Amazon Divian.
BINABASA MO ANG
Guardians | Self-Published under Taralikha
FantasyAfter hearing a terrifying prophecy about her life, Reika had to become a stronger Divian to protect herself from the looming danger. Together with her best friend Lexi, they traveled to the Capital for an apprenticeship under a Spirit Master, but e...