Chapter 14 : Intruders

140K 5.6K 464
                                    

"Seriously, Lorgan is a sadist," sabi ni Lexi habang nakahiga sa kama niya at minamasahe ang kaliwang braso niya. Humiga na rin ako sa kama ko dahil sobrang pagod ng katawan ko.


Ilang araw na rin ang nakakalipas simula nung mapunta kami rito. Araw-araw ang training na ginagawa ni Lorgan para sa aming Divians pero syempre depende rin sa abilities namin. Kahit na mahirap, sa tingin ko ay magaling siya sa tactics at ways kung paano matulungan ang isang Divian.

Pagtingin ko kay Lexi ay nakatulog kaagad siya, dala na rin siguro ng sobrang pagod. Nung nakita ko ang oras, 7 PM na pala. Tumayo ako at naglakad papunta sa banyo dahil gusto kong maligo para naman matanggal ang stress ko.

Pagkatapos kong maligo ay umupo ako sa may labas ng cabin namin at nakita ko ang ilang mga batang Divians na nakikipaglaro sa naturaes at floras. Nakakatuwa silang tignan dahil parang wala pa silang pakialam sa mga nangyayari sa mundo at nag-eenjoy lang sila sa stay nila rito. Natuwa rin ako dahil kahit kagagaling lang nila sa training ay hindi pa rin nauubos ang lakas nila.

Bigla naman akong nanginig dahil sa lakas ng hangin. Mas malamig pa sa pakiramdam dahil kakaligo ko lang.


"You'll catch a cold. Get inside."


Nagulat ako nung narinig ko ang boses ni Ryleigh kaya naman tumingin ako sa cabin nila, which is right next to us, pero wala namang tao sa labas. Pagtingin ko sa itaas, nandoon siya at nakaupo sa may bubong habang naka-crossed arms. Bigla naman siyang sumimangot at sinamaan niya ako ng tingin.


"What?" pagalit niyang tanong. Napataas naman ang kilay ko. Ang hirap talagang hulaan ang mood ng taong 'to.

"Paano ka nakaakyat dyan?" tanong ko naman. Para kasing ang sayang tumambay sa taas ng cabin.

"Bakit?" sabay taas niya ng kilay niya. "Huwag mong sabihing gusto mo rin?" Nagnod ako sa kanya at nakita ko namang napabuntung-hininga siya. Nagulat naman ako nung bigla siyang tumayo doon at tumalon pababa na parang wala lang at naglanding siya sa tapat ng cabin nila. After that ay umupo siya sa gilid ng terrace nila kaya umupo rin ako sa terrace namin.

"Nasaan pala si Yano?" tanong ko.

"Tulog na."


Napangiti naman ako dahil pareho na palang bagsak ang mga kasama namin, samantalang kami at ang ilang mga bata sa training grounds ay gising na gising pa rin.

Tumingin na lang ulit ako sa langit at kabilugan pala ng buwan ngayon. Kahit pareho kaming tahimik at walang mapag-usapan ay hindi naman nakakailang. Siguro dahil na rin sa atmosphere.

Bigla naman akong napahawak sa kahoy na inuupuan ko dahil sa malakas na paggalaw ng lupa. Si Ryleigh naman ay agad na tumakbo papunta sa mga bata dahil ang iba ay natumba at nagpanic. Nakita ko rin sina Lorgan at Lycus na lumabas sa main cabin at tumulong din si Lycus sa mga bata. Pagtingin ko kay Lorgan ay nakatitig lang siya sa buwan at biglang lumabas sa magkabilang-gilid niya sina Remus at Romulus.

Napatingin agad ako sa bandang gubat na part at nakita ko ang ilang silvanias na nagtatakbuhan palayo sa may bukana.

So the quake was their doing. They are feeling threatened.

Kahit malakas pa ang lindol ay lumabas na rin ako sa cabin at pupunta sana ako sa direksyon ng silvanias na nakita ko pero napatigil ako nang marinig ko ang malakas na alulong nina Remus at Romulus.

Guardians | Self-Published under TaralikhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon