"Gising na, gising na!"
Halos mabingi ako sa tunog ng...bell ba 'yun? Dumilat ako at nakita kong nasa gilid ng kama namin si Master habang hawak niya 'yung bell at nakatapat sa mga tenga namin.
"C'mon! Tayo na dyan!"
Teka, kailan kami natulog? Sa huling pagkakatanda ko, tinatawag namin 'yung guardians namin at...wait. Nawalan ba kami ng malay after that?
"Magiisa't kalahating araw na kayong tulog dyan. Siguro naman bumalik na ang lakas ng katawan niyo. And you girls should take a bath. You smell," sabay crinkle ni Master sa ilong niya at lumabas sa kwarto namin.
Nagkatinginan kami ni Lexi at natawa na lang kami sa nangyari. Sabagay, ramdam na ramdam ko 'yung panlalagkit ng katawan ko dahil sa natuyong pawis. Kadiri.
Nag-unahan kami ni Lexi sa banyo...pero bigla kaming hinarang ni Master nung palabas na kami ng kwarto. Napasigaw pa ako dahil nagulat ako sa kanya. Paano ba naman, pagbukas ko ng pinto, mukha niya 'yung sumalubong sa amin.
"Nope. Hindi kayo sa banyo maliligo. Labas."
Pagkasabi niya nun ay mukhang alam ko na kung saan niya kami paliliguin. Lumabas kami sa bahay at ang tanging nakikita lang naman dito ay 'yung mapunong paligid...at 'yung lake sa harapan.
"W-wait Master, you mean, dyan kami maliligo?" sabay turo ni Lexi sa lake.
"Of course. Hindi ba kayo naliligo sa lawa o sa ilog doon sa baryo natin?"
Naliligo naman kami pero that was when we were still kids! At sinong maliligo kasabay ang isang higanteng pagong? Yes. Kasalukuyang nasa lake ngayon si Tortos.
"And besides, that lake is inhabited with aquainas or water guardians that possess healing properties. Mas gagaan ang pakiramdam niyo kapag dyan kayo naligo."
Dahil hindi kami gumagalaw ni Lexi ay narinig kong naggrunt si Master. Tapos bigla na lang kaming lumutang sa ere. Pagtingin ko sa taas, dinagit na pala kami ni Lily...at nilaglag niya kami sa lake. First time kong makaexperience ng kalapati na nandadagit!
Umangat agad ako sa tubig dahil ang lalim ng pinagbagsakan namin. Pero naging kakaiba 'yung pakiramdam ko. Sumilip ako sa baba at pagtingin ko...
"Holy sh-!"
"Bakit? Bakit? Bakit? Anong meron?!" Nagpanic si Lexi habang kakaahon niya lang at tinuro ko sa kanya 'yung tubig.
"Yes, girls! Those are the aquainas. Matagal na silang nakatira sa lawang 'yan," sigaw naman ni Master sa amin.
Mula sa ilalim ng lake ay may mga tiny creature na parang nagmemerge sa tubig. Kasinlaki lang siguro sila ng kamay ko. They are like water fairies, pero ang kaibahan, wala silang pakpak at transparent sila. They have full black eyes, unlike sa atin na may white area, and their hair are like the ripples of the water.
Pumalibot sila sa amin at parang may miniature whirlpool na lumitaw around us. Then unti-unting gumagaan 'yung pakiramdam ko. The exhaustion is fading away...and I just want to drift away...
"Careful! Aside from their healing abilities, they can also put you into sleep!"
Pagkarinig na pagkarinig ko nun ay nagising 'yung diwa ko. Kaya pala feeling ko para akong hinehele ng tubig! Nakita ko pang nagsnicker 'yung isang water guardian. Hinampas ko si Lexi sa likod dahil nakapikit na siya.
"Aray! Ang sakit nun ha! My gosh! Pano kung lumabas 'yung baga ko, Rei?!"
"Then don't sleep! Hahambalusin ulit kita kapag pumikit ka!"
BINABASA MO ANG
Guardians | Self-Published under Taralikha
FantasyAfter hearing a terrifying prophecy about her life, Reika had to become a stronger Divian to protect herself from the looming danger. Together with her best friend Lexi, they traveled to the Capital for an apprenticeship under a Spirit Master, but e...