"Reika!"
Nagising ako dahil narinig kong may tumawag sa pangalan ko pero pagdilat ng mga mata ko ay sumalubong sa akin ang malaking ahas sa harapan ko. Pinigilan ko ang pagsigaw ko dahil bigla kong naalala ang nangyari bago ako mawalan ng malay.
"Bring those girls, Boa. They might have the ancient seal because of their parents. Let's go back to Inferna. Ignus is waiting for us."
That was the last thing I heard before passing out. That name again. The Spirit Masters also mentioned him before and he's always brought up when the topic is about the ancient seal.
Agad kong tinignan ang paligid at kinagat ko ang labi ko para hindi ako mapasigaw dahil sa nakita ko. We're riding a dinosaur—a triceratops.
Muntik na akong malaglag dahil sa gulat pero buti na lang at rough ang surface ng balat niya kaya hindi ako masyadong gumalaw sa pwesto ko. Kinalma ko ang sarili ko dahil nasa harapan lang ng ahas si Serena at nakatingin sa dinadaanan namin. Buti na lang at nakatalikod siya sa amin kundi ay nahuli na niya akong meron nang malay. Gumaan naman ang loob ko nung nakita ko si Lexi sa tabi ko pero wala pa rin siyang malay.
I was about to move but then spirit particles began to gather around me and they acted like a rope, tightly binding me .
"Preligae," biglang sabi ni Serena at lumingon siya sa akin. Lalo namang humigpit ang mga nakapaligid sa aking spirit particles at nakita kong nakangiti lang siya sa akin. "Don't even think about escaping, girl."
Hindi na ako nakagalaw. Tinignan ko lang siya nang masama kahit na nakatalikod na siya sa akin at pagkatapos nun ay nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Pagtingin ko ay nakaramdam ako ng familiarity sa lugar at doon ko narealize na ito ang gubat na lagi naming pinupuntahan ni Lexi noong mga bata pa kami.
Wait...if I can use this place to our advantage...
Sakto namang nakita kong kumurap ang mga mata ni Lexi at pagdilat niya ay tinitigan ko siya. Without further ado, I mouthed 'Stay still. Charlie. Summon,' and I think she got what I meant. I scanned the surroundings and saw the familiar group of trees where Tito Leon usually drops us when he still got Charlie.
Sinubukan kong umupo at halos mapasigaw ako dahil lalong humigpit ang mala-lubid na grupo ng spirit particles pero tiniis ko 'yun at nagawa kong lumuhod. I tried to balance my weight because the triceratops is walking in an unstable manner.
"What are you doing, kid? Are you testing my patience?" Naging seryoso ang expression ni Serena nung nakita niya ang posisyon ko. Bigla niyang tinuro sa akin ang daliri niya sabay sabing, "Volitar!" Bigla akong lumutang sa ere at natakot ako dahil hindi ko nakokontrol ang katawan ko.
I don't know if it's because of fear and sense of danger but an unfamiliar phrase formed inside my head. Somehow, I knew it would help me escape from her incantation.
"Iyo renodes kai!" I chanted.
"How did you—!"
Suddenly, the spirit particles binding me started to glow and I felt a mix of scorching heat and comforting warmth from them. They slowly dispersed and after a few seconds, the binding incantation was gone and before I fall to the back of the triceratops, I called his name.
"Carlos, sal-ve! Lexi, now!"
Lexi swiftly jumped off the dinosaur's back and summoned Charlie. Agad naman siyang nasalo ni Charlie at lumipad palayo kay Serena at sa guardians niya, at ganun din ang ginawa namin ni Carlos.
BINABASA MO ANG
Guardians | Self-Published under Taralikha
FantasyAfter hearing a terrifying prophecy about her life, Reika had to become a stronger Divian to protect herself from the looming danger. Together with her best friend Lexi, they traveled to the Capital for an apprenticeship under a Spirit Master, but e...