PROLOGUE

896 32 9
                                    

(Click the video for audiobook)

***

Nais kong bitawan ang bigat na nararamdaman,

kahit walang dala... kahit walang dahilan at pinagmulan.

***

- May 16, 2022 -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- May 16, 2022 -

"Ayon sa PAG-ASA dapat maging alerto ang mga residente sa banta ng baha at landslide. Apektado ng local thunderstorm ang maraming bahagi ng bansa. Asahan po ang pag-uulan sa halos buong Luzon at Mindanao, at ilang panig ng Visayas. Uulanin din ang malaking bahagi ng Metro Manila---"

Wala bang mas magandang balita?

Habang pinupunasan ang luha ay kinuha ko ang remote. Nanginginig pa rin ang mga daliri ko ngunit nagawa kong ilipat iyon.

 Nanginginig pa rin ang mga daliri ko ngunit nagawa kong ilipat iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mapula, bilog na bilog, at mas maliwanag na buwan... Inabangan ngayong gabi ang unang total lunar eclipse o blood moon sa taong 2022..."

"Sh*t!" Lumabas ako at tinignan ang buwan ngunit kamalas-malasang tapos na ang eclipse. Hindi ko man lang nabalitaan na may eclipse kanina. Bwisit!

"Yami, come here..."

Nakangiting tawag ko sa alaga kong black na labrador. Pinagpag ko pa ang malaking espasyo ng sofa at dali-dali naman itong lumundag papunta sa akin. Hinalikan ko ito sa noo at saka niyakap nang pagkahigpit-higpit.

"Sorry Yami..." bulong ko.

"Sa aking pagpikit, huwag mo nang gisingin. Mas mabuti nang sa tulog makabawi..."

Nagsimula akong kumanta. Nakita kong pumikit si Yami kaya napangiti ako. Pinahiga ko siya at saka hinayaang iunan ang binti ko. Paulit-ulit kong pinadudulas ang mga hinlalaki ko mula sa noo pababa hanggang sa ilong niya.

"'Pag ako'y umalis, huwag mo nang hanapin. Pakiusap ayaw ko nang makauwi..."

Ramdam ko ang pagbagal ng pagkanta ko. Lumalabo na naman ang paningin dahil sa namumuong luha sa mga mata ko.

Natigil ako sa ginagawa't napatingin sa kamay kong nakabalot ng benda. Halos gabi-gabi na lang akong nakikita ng aso kong umiiyak... at sinasaktan ang sarili. Nakaka-guilty dahil minsan pakiramdam ko, ako ang dahilan kung bakit siya nagkakasakit. Sabi kasi ng iba, nararamdaman ng mga alaga kapag malungkot o may sakit tayo, sila ang sumasalo noon.

Hindi ko naiwasang humagulgol ulit. Kagagaling ko lang sa pag-iyak ngunit heto na naman ako't hindi nadadala. Kahit maga at masakit na ang mga mata ko, may luha pa ring napipiga iyon.

Napailing na lang ako at napapikit nang mariin.

"No! Krystallene Cielo ano ba?!" bigla ay sigaw ko.

Napatayo si Yami dahil sa gulat. "S-Sorry love, sorry---" Hinabol ko pa siya ngunit tumakbo ito papasok ng kwarto.

Pati aso ko... pati si Yami tinakbuhan ako.

Naupo ako sa sahig at isinandal ang ulo sa sofa. Itinaas ko pa ang kamay ko at tinignan iyon. Akala ko katapusan ko na kanina. Bwisit talaga! Napahilamos na lang ako sa mukha dahil sa inis.

"WHOOOOHH!" hiyaw ko.

Wala akong pakialam kung alas tres na ng madaling araw. Nasa kalagitnaan na ng himbing ang mga tsismosang kapit-bahay kaya hindi sila agad-agad magigising.

Muli ay pumatak ang mga luha, bumigat ang paghinga at para bang umiinit ang pakiramdam ko.

Wala nang katahimikan sa bahay na 'to. Kahit dalawa lang kami ni Yami sa bahay, sobrang ingay... Umaagos ang walang katapusang palaisipan at katanungan. Madalas dumadating na sa puntong hindi ko na nako-kontrol ang pagdaloy ng mga bagay sa isip ko.

Hindi na alam kung anong iisipin ko o kung may dapat bang isipin talaga?

Hindi ko alam kung anong dahilan ng lungkot o kung malungkot ba talaga?

Hindi ko alam kung anong problema o kung may problema ba talaga?

Minsan ay hindi ko naiiwasang pagalitan ang sarili, lalo na kapag may pumapasok sa isip kong mga bagay-bagay. Kung minsan hindi ko rin nako-kontrol ang mga kamay ko at para bang awtomatiko itong gumagalaw. Minsan papunta sa bibig ko, kaya napupudpod ang mga kuko at puro sugat na ang labi. Minsa'y kumakatok pa ang mga buto ng daliri ko sa noo ko, minsa'y marahan pang hinahatak ang buhok... hanggang sa manggigil ako.

Nakapikit kong isinandal ang siko sa sofa at mula doon ay hinaplos ko ang buhok ko na para bang pinatatahan ang sarili.

"It's okay Tala, I got you..."

Tatlong beses ako huminga nang malalim bago idinilat ang mga mata. Pinagmasdan ko mula sa puwesto ko ang buwan.

Hi there Luna!

Patulog na si Luna, ngunit nanatili pa rin akong gising. Para bang binabantayan at pinakikinggan ako nito.

Ilang araw akong hindi pumasok sa trabaho at walang ginawa kundi magmukmok lang sa kwarto. Ilang araw akong nagpahinga kahit sa totoo nama'y walang magbabago.

Ang ilang oras na pahinga ay hindi sasapat para pawiin ang pagod na hindi ko alam ang dahilan.

Hindi iyon sasapat para hilumin ang sugat na hindi ko naman matagpuan.

Ilang araw ko nang itinuturing na gabi ang umaga... pakiramdam ko'y baliktad na ang mundo ko.

Bukas... papasok ako at kukumbinsihin ang sariling bumangon kahit na hindi ko gusto.

Pipiliting maging abala para hindi katukin ng mga bagay na negatibo.

Bukas... papasok ako.

Bukas lalaban...

Bukas tatakasan...

Sa susunod na bukas nama'y bibitawan.

Luna... buti nandiyan ka para samahan ako.

Ano kayang gagawin ko kapag wala ka?

Sino kayang kakausapin ko kapag wala ka?

BUWI: Sanlibong Taong PaghimbingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon