/14/ SALAMIN NG NAKALIPAS

140 9 0
                                    

TRIGGER WARNING!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TRIGGER WARNING!

This chapter contains sensitive contents and triggering events such as suicide, self-harm, sexual harassment, abuse, addiction, mental disorders, and other sensitive topics that are not suitable for some audiences.

It's not my intention to romanticize or encourage such acts. This is a story about the journey to HEALING and SALVATION.

Read at your own risk.

***

- K A M I S L A -

"Benedict Pilarta, disi siete anyos. Location, Santa Teresita." Binasa ko nang malakas ang nakasulat sa likod ng listahang ibinigay ni Consi.

Esniyan lang ang may kakayahang makabasa ng sulat na ito kaya wala akong choice kundi basahin 'yon kay MJ.

"Santa Teresita? Hindi po ba masyadong malapit 'to sa San Antonio?" Sumandal si MJ sa balikat ko. "Tsk! Amoy alak ka na agad."

"Anong meron sa San Antonio?" tanong ko.

"Alam mo ate Ai, kaka-cr mo pati mahahalagang info nailalabas mo na. Doon address ni manay Kristal diba? May bai ka nga pero minsan wala ka rin nito." Tinuro niya ang sintido ko.

"Aba nagiging bastos ka na. Gusto ko 'yan!" natatawang sabi ko. "Hayaan mo na. Pumayag naman si Consi, wala tayong dapat ipag-alala."

Hindi alam ni Tala na bukod sa pamimili, may misyon ding ibinigay si Consi. Hindi ko lang inaasahang kakilala niya pala itong binatilyong kaharap namin ngayon.

Walang duyaning nakasapi sa katawan niya, ngunit sa likod niya'y may nakabantay... isang duyanitung sinusundan siya kahit saan magpunta. Dalawa lang ang dahilan kung bakit hindi napupunta sa Lunduyan ang isang duyanitu. Una, hindi pa siya handang umalis at pangalawa, mayroong humahadlang.

"Kailan ba ako may inuwian?" walang reaksyong sabi ni Benedict. Kahit pilit niyang itago, kitang-kita sa mga mata niya ang lungkot.

Wala sa sariling napangiti ako. Alam ko na kung bakit hinayaan kami ni Consi'ng isama dito si Tala. Kilala niya si Benedict at pareho silang... ligaw. Kung mayroon mang makakaintindi sa sitwasyon niya, si Tala 'yon.

"Edi 'wag! Umalis ka na, hindi mo naman pala kailangan eh," binawi ni Tala ang plastik. Ayon na naman ang pag-ikot ng mga mata niya.

Binabawi ko na ang sinabi kong maiintindihan niya si Benedict. Siguro gusto lang ni Consi'ng imulat ang mga mata ni Tala sa pagiging Esniyan.

Tinalikuran kami ni Benedict at sa pagkakataong iyon ay nagtama ang paningin namin ng duyanitu'ng nakasunod sa likod niya. Ilang segundong naglaban ang mga mata namin hanggang sa mapagtanto nitong nakikita ko siya. Nanlaki ang mga mata nitong napatitig sa akin, nagdadalawang-isip kung lalapit. Ilang saglit pa ay kusa siyang sumunod kay Benedict.

BUWI: Sanlibong Taong PaghimbingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon