/15/ ANG MULING PAGMULAT

163 8 6
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

- T A L A -

"She's here," biglang nagsalita si Isla. Nang lingunin ko siya'y ganoon na lang ang gulat ko. Titig na titig siya sa kung saan habang ang mga luha'y nagbabadya nang pumatak.

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Bene. "Mi? Isla?" Tinawag ko sa kaniya pero hindi siya lumingon. Bigla ay naalala kong nakikita niya nga pala ang nanay ni Bene.

"B-Bene... Uhm ano kasi. Nandito kasi 'yung nanay mo," panimula ko.

"A-Ano?"

Wala sa mood si Isla kaya ako ang nagpaliwanag kay Bene. Sa una ay hindi pa siya makapaniwala ngunit nakumbinsi rin naman sa huli.

"Kailangan mo ring tanggapin ang katotohanang hindi madali ang pagdadaanan ng nanay mo sa kabilang buhay. Malaking kasalanan ang pagkitil sa sarili, kailangan niya iyong pagbayaran."

"I-Ibig bang sabihin... mahihirapan pa rin siya sa kabilang buhay?" hindi makapaniwalang sabi ni Bene.

"'Wag kang mag-alala, ililigtas ko ang nanay mo kahit buhay ko pa ang kapalit." Natigilan ako nang kusang lumabas sa bibig ko 'yon.

Siraulo ka Kristallene Cielo!

"Nay... narinig mo 'yon? Ililigtas ka ni ate," bumulong si Bene. Kusang lumipad ang kamay ko sa bumbunan niya.

"Joke lang 'yon--- I mean... Opo, m-makakaasa po kayo," napipilitang sabi ko.

Stressivility! Ano 'tong mga pinapangako ko?!

Ilang saglit pa ay nagpaalam na si Bene sa ina. Kahit hindi nakikita ay ramdam kong nagkakaintindihan sila. Hindi ko alam na may mga ganitong kaso palang hinahawakan sila Isla at MJ. Ngayong nasaksihan mismo ng mga mata ko, pakiramdam ko'y gusto ko ring maging katulad nila.

Pero as if naman?! Hindi mo keri Tala!

Nakarating kami ni Isla sa Silo. Tingin ko'y dito niya gagawin ang ritwal para makatawid si Mrs. Pilarta. Hindi na ako nagbalak pang magtanong dahil alam kong makakaistorbo lang ako sa kaniy lalo na't wala siya sa mood. Kahit ilang araw pa lang kaming magkakilala, hindi ako sanay na tahimik siya at may malalim na iniisip. Siguro ganito talaga si Isla sa mga misyon, masyadong focus.

"Ginagawa ko lang ho ang trabaho ko," nagulat ako nang bigla siyang magsalita.

Nangilabot ako dahil kami lang naman dalawa dito sa loob ng Silo. Nakadagdag ng takot pa ang buong paligid dahil nga puro kandila lang ang nagbibigay liwanag dito.

"Tala..." rinig kong tawag niya kaya lumapit ako. "Samahan mo akong bigkasin ang ritwal."

"B-Bakit ako? Anong alam ko diyan? Ang creepy niyan Isla, ayoko..." natatakot na sabi ko.

BUWI: Sanlibong Taong PaghimbingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon