/7/ IMAHE NG PANGANGAMBA

226 13 10
                                    

Ang sugatang pintuan ang naging kasagutan,

sa karagatan matatagpuan walang hanggang katahimikan.

***

- T A L A -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- T A L A -

"Lagot ako kay Consi at Singko."

"Baka naman may allergy sa seafoods? Bobo ka kasi bakit ayon pinakain mo?"

"I-It's not allergy, it's p-panic attack. Diba dok?"

"Yes."

Nagising ako dahil sa ingay ng paligid. Idinilat ko ang mga mata at nakitang nasa kwarto ako. Paano ako napunta rito? Inalala ko ang mga nangyari kanina... nag-panic attack ako at nawalan ng malay.

Nananaginip lang ba ako noong nakita ko si Buwi? B-Bakit parang totoo? Dapat sanay na ako sa ganito eh. Mula pa man noon ay nanaginip na ako ng kung anu-ano.

Tumayo ako at nagsalubong ang kilay nang pagbukas ko ng pinto ay walang tao doon. Sino yung narinig kong nag-uusap bago ako bumangon? Panaginip lang din ba 'yon?

"Kristallene... get yourself together," naiinis na sabi ko. Kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng side table at tuluyang lumabas ng kwarto. Naupo ako sa sofa at tinignan ang phone ko.

7:04 pm

2 missed calls from Raidemonyo

Bakit tumawag 'to? Trip nito?

"Pucha!" nagulat ako nang mag-vibrate ang phone ko. Muntik ko pang mabitawan 'yon bwisit.

Binuksan ko ang message ni Raiden. Matalino rin ang isang 'to. Alam niyang hindi ako mago-online kaya nag-text.

Nakailang pikit pa ako dahil hindi makapaniwala sa sinend niyang invitation. Gago ba siya? Ang lakas naman pala talagang mang-asar nitong hayop na Raidemonyo na 'to noh?

"Invitation for suicide prevention month? Hahaha..." mahinang tawa ko. "Why would I join them huh? P-Prevention?"

Bakit hindi siya ang umattend tutal mahilig siyang humadlang?

"That's how insensitive you are..." nanggigigil na sabi ko. Hinagis ko ang phone ko sa sahig at saka inapak-apakan 'yon hanggang sa mabasag ang screen.

[FLASHBACK - MAY 16, 2022]


Pumikit ako at inilagay ang phone sa gilid ng bath tub. This is the best way to end everything. Chill lang with scented candles habang nakasaksak ang earphones at hinahayaang ngumawa nang ngumawa ang Sugarfree.

BUWI: Sanlibong Taong PaghimbingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon