/2/ AGUSIN MA'Y BABALIK

404 22 18
                                    

Paulit-ulit man akong agusin papuntang pampang,

paulit-ulit pa rin ako nitong ibinabalik sa nakaraan.

***

- T A L A -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- T A L A -

"Sumilong muna kayo," aya sa amin ni mamay Lina sa bahay nila.

"May kinakasal daw na tikbalang kapag ganiyan eh!" sabi no'ng Joseph.

"Hindi tayo in-invite sa reception," pagbibiro ko pero tinignan lang nila ako nang walang reaksyon.

Ibinaba ko ang bag ko at ginaya silang umupo sa sahig. Hindi ko namalayang hawak ko pa rin ang story book.

"Babasahan niyo po kami?" Lumapit ang isang batang babae at umupo sa harapan ko.

"H-Ha?"

"Harurut! HAHAHAHA!" sabay-sabay silang nag-tawanan. Bakit sa joke ko wala silang support?

"Sige na... pagbigyan mo na po ang mga bata," sabi ni MJ.

Pinagmasdan ko ang mga batang naghihintay sa akin. Talagang interesado sila sa kwento ng Bakunawa.

"Hindi ba't mahilig kang magbasa ng libro?" sabi ni mamay Lina. "Naalala kong kinukwento mo noong tambay ka sa library noong elementary ka pa lang. Halos hindi ka pumapasok sa klase dahil nawiwili ka sa kababasa."

"Minsan nga pong napagalitan ka 'di ba? Kahit may sore eyes, pumasok ka po sa school para lang magbasa ng mga story book. HAHAHAHA! Pasaway na bata," nailing na sabi ni MJ.

"Kapag binabantayan mo nga itong si MJ, kinukwento mo sa kaniya 'yung mga librong nababasa mo," dagdag pa ni mamay Lina.

"Naku! Alam niyo bang si manay Kristal ay champion sa story telling competition? Sa buong Sorsogon!" pagyayabang ni MJ na dahilan nang pagyuko ko.

"Sige na po! Basahan niyo na po kami manay," nangungusap na sabi ng isang batang babae.

Wala akong nagawa kun'di tignan ang story book at binuksan iyon. Kung nasa Manila lang ako, baka hinampas ko na 'yung story book sa mga bata. Iba kasi mga ugali ng ibang mga bata doon!

"Ehem!" Napalunok pa ako dahil ngayon ko lang ulit iyon gagawin. "Ang Bakunawa at ang Pitong Buwan..."

Ibinalik ko ang paningin sa mga batang nag-aabang sa akin. Huminga ako nang malalim at saka taas noong binasa ang unang linya. "Noong unang panahon..." pagsisimula ko ngunit---

"With feelings manay," mataray na sabi no'ng isang batang babae.

Inutusan na nga akong magbasa, gusto pa with feelings. Pumapatol ako sa bata!

BUWI: Sanlibong Taong PaghimbingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon