/4/ BANGON SA NGAYON

280 16 8
                                    

Hangga't kayang ikubli ang mga hikbi, pipiliin kong manatili.

Hangga't kayang kumbinsihin ang sarili, uusad hanggang sa huli.

***

TRIGGER WARNING!

This chapter contains sensitive contents and triggering events such as suicide, self-harm, sexual harassment, abuse, addiction, mental disorders, and other sensitive topics that are not suitable for some audiences.

It's not my intention to romanticize or encourage such acts. This is a story about the journey to HEALING and SALVATION.

Read at your own risk, mga bobo.

***

- T A L A -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- T A L A -

Nakanganga akong lumingon sa halimaw na iyon at nakitang nakadilat ang dalawang mata nito. Wala ang matingkad na liwanag na nanggagaling sa mga mata niya. Tanging normal na dilaw na mata at sa kabila naman ay purong puti.

Dahil sa liwanag na dulot ng maliit na apoy, muli kong nakita ang kabuuan ng mukha niyang nakatiwarik. Nag-angat pa ako ng paningin sa katawan nitong nakabalot ng putik.

Tumayo ako at inayos ang suot kong dami. Humalukipkip ako at taas-noong humarap sa kaniya.

"Mabuti naman at nakakaintindihan tayo," mataray na sabi ko. "Akala mo ba nakalimutan ko na iyong ginawa mo dahil lang binigyan mo ko ng apoy? NE-VER! A thousand percent certainty!"

Naglakad ako papunta sa dulo ng kuweba kung saan nandoon ang apoy. Naupo ako doon saka salubong ang kilay na binalik ang tingin sa halimaw.

"Sana bukas 'wag kang gumawa ng buhawi ano? Para naman masundo na ako dito," nakatas ang kilay ko.

Paano kung hindi na nila ako hanapin? Sila MJ? Sila mamay Lina? Hinahanap kaya nila ako?

"Kung ikaw man gumawa ng buhawi or kung anumang elemento ng hangin ni Amihan, sana huwag mo ulitin. Gusto ko nang umalis dito. Sana naririnig at naiintindihan mo kasi hindi ko nga alam kung ano ka eh! Kung nagegets mo ba ako o ano!"

Kapag nakabalik ako sa barangay, ipagtatanong ko talaga kung ikaw ba talaga yung Bakunawa.

Pero kasi... hindi ba magugulat ang mga tao kapag nalaman nilang may monster dito sa islang 'to? Sa mga movies... kadalasan kapag nakakakita ng mga monster, pinapatay ng tao!

Pero hindi!!! May tiwala ako sa generation ko... alam kong mas malawak na ang pag-iisip nila hindi tulad ng mga sinaunang tao.

Kaso... Hindi ba sila matatakot na may mythical creature na bigla na lang nagkaroon ng buhay? Like... after so many years bigla na lang may ganito. 2022 na! Baka hindi nga nila ako paniwalaan eh. Baka mapagkamalan pa akong baliw kapag sinabi kong may monster---

BUWI: Sanlibong Taong PaghimbingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon