/12/ IKA-LABING ANIM NG MAYO

148 8 0
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

- T A L A -

"Seriously? Bakit ko naman sila tutulungan kung yung sarili ko nga hindi ko matulungan?" natatawang sabi ko. "Hindi ba dinala ako dito sa Esniya para tanggalin ang duyani sa katawan ko? I'm the one you should help Raiden."

"We tried countless times, Tala." Naalala ko yung sinabi nila Consi. Sinubukan nilang tanggalin 'to pero hindi talaga nila kaya.

"Then what should I do? May kailangan ba akong dasalin? W-Well, hindi ako magaling sa part na 'yon," nakangiwing sabi ko. "Bakit kasi hindi niyo na lang sabihin para naman matapos na 'to?"

Parang natutunaw ang buong paligid nang magliwanag ang kaliwang mata ni Raiden. Napapikit ako dahil hindi kinaya ang liwanag na dulot noon.

"Alam mo ba kung bakit hindi matanggal ang duyani sa katawan mo? Because you treat each other as an equal being," rinig kong tanong niya.

Muli kong idinilat ang mga mata at nakita ang sariling nasa loob ng condo ko. Paano kami napunta dito? Anong ginagawa namin dito?

"What do you mean? Hindi ko nga naaalala na may duyani na sumapi sa akin or ano. Hindi ko alam kung saan at paano nangyari 'yon," umiiling na sabi ko.

"That's why we're here. It all started here Tala." Nilibot niya ang paningin at gano'n rin ang ginawa ko.

"Sa condo ko?" nagtaas ako ng kilay.

"May 16, 2022..." naglakad siya papuntang banyo. Bago niya buksan ang pinto ay tinignan niya akong diretso sa mga mata, "the night I saved you."

"W-What?" naguguluhang tanong ko.

"Pinadala ako ni Consi sa condo mo para i-exorcise yung duyani. Madali lang para sa'king gawin 'yon pero sa kaso mo... nahirapan ako."

Nagmadali akong lumapit sa kaniya. Hinayaan niyang ako ang magbukas ng pinto. Ganoon na lang ang panalaki ng mga mata ko nang ipakita niya sa akin ang sitwasyon ko no'ng gabing 'yon. Nakahiga ako sa bath tub, nakababad sa magkahalong tubig at dugo. Kalmado lang habang nakapikit at nakikinig ng musika. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon dahil alam ko sa sariling hindi ako handa. Hindi ko alam kung kailan ba ako magiging handa para makita 'tong bagay na 'to ulit.

"You summoned the strongest duyani in Lunduyan," sabi niya mula sa likuran ko.

"S-Summoned?" naguguluhang tanong ko.

"A duyani is normally attracted to the core of spiritual energy." Nagbago ang itsura ng paligid, pinakita niya ang imahe ng isang utak ng tao. Sa bandang ilalim nito ay may maliit, kulay asul, at bilog na liwanag. "The darker the surface, the brighter the core. Sa madaling salita kapag mas matindi ang emosyon, mas naa-attract ang isang duyani sa liwanag ng spiritual core."

BUWI: Sanlibong Taong PaghimbingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon