/5/ LIHIM NG DILIM

233 16 15
                                    

Mga salitang hindi mabigkas ng labi, hindi mabigyan ng kahulugan.

Pilit na tatakpan ang mga labi, iguguhit na lamang sa pulsuhan.

***

- T A L A -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- T A L A -

Hindi pa man kami nakakarating sa barangay ay bumungad na sa akin ang pinsalang gawa ng buhawi. May mga punong nakatumba at nakalbo, habang ang mga bahay naman ay halos hindi na makatayo. Ganoon nga kalakas si Buwi?

Patay ka talaga sa akin Buwi kapag nakabalik ako sa'yo!

Pagkababa ko pa lang ng bangka ay sinalubong ako ng isang matanda.

"Kristal tama ba?" Nabigla pa ako nang hawakan ako nito sa kamay. "Maraming salamat dahil iniligtas mo ang apo ko."

"Y-You're welcome po," utal pang sabi ko.

"Hayaan po muna nating makapagpahinga si manay Kristal," sabi ni MJ.

"Ah... Oo sige. Papupuntahin ko si JR para magpasalamat sa'yo. Ipapadala ko iyong sapin-sapin na gawa ko," nakangiting sabi ng matanda. JR? Si Rylie?

"T-Thank you po..."

Diretso akong dinala ni MJ sa bahay ni lola. Nandoon na ang mga gamit ko. Nagbihis ako at matapos ay inayos ang mga gamit sa loob ng bahay.

"Ayoko nga po!" rinig kong sigaw mula sa labas.

"Sige na pumasok ka na. Magt-thank you ka lang eh," si MJ.

Nang lingunin ko ang pinto ay nandoon na si MJ na itinulak pa nang mahina si Rylie.

"Thank you po daw," nahihiya itong lumapit sa akin. Bagsak ang mga balikat nito at parang napilitan lang sa sinabi.

"Daw? HAHAHA!" natawa ako pero tinignan lang ako nito nang masama. "O-Okay ka lang?" tanong ko.

"Hindi po," walang reaksyon na sabi nito.

"Ha?" nangunot ang noo ko.

Marunong ngang gumamit ng 'po' pero sa tono naman ay parang galit. Anong problema ng batang 'to?

"Bakit ba kasi sumama ka pa po? Dapat ako ang nandoon po."

"Ano?" kunot-noong tanong ko.

Anong ibig niyang sabihin na sana ay siya ang nandoon? Sa isla ba? Sinandya niyang magpa-tangay sa hangin? Kaya ba siya nandoon sa bangka? Alam niya ba?

"Nakita niyo ba 'yong Bakunawa po?" inosenteng tanong nito.

"H-Ha?"

Nautal pa nga. Act normal Tala... Hindi rin naman ako sigurado kung Bakunawa nga ba talaga si Buwi! Magaling naman akong mag-dahilan eh, kayang-kaya ko 'to! Bata lang 'to!

BUWI: Sanlibong Taong PaghimbingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon