/18/ LIBU-LIBONG PAANO KUNG

254 12 0
                                    

Hi mga bobo at tangi(na)!
Sorry sa late update. Bawi ako hehe mwakyu all.

Bb. Callisto

 Callisto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

- R A I D E N -

"Kinakailangan pa ba ang tinig ng Mahavelima upang magtiwala kayo sa Kapave? Anong klaseng mga mamamayan ng Esniya ang unang distrito? Walang tiwala sa sariling kapitan at nagpapalilo sa mapanuksong patakaran," umiiling na sabi ni Mahave Gregor.

Kahit hindi pamilyar ang hitsura, sa paraan ng pananalita ng Mahave ay nakilala siya ng mga Esniyan.

Gregor Santos, ang pinakamatandang kasapi ng Mahavelima at isa sa mga nagtatag ng Esniya.

"Sa ganitong paraan niyo ba sasalubungin ang aking pagdating?" walang ganang tanong nito.

"K-Kumanhawi, Mahave Gregor..." sabay-sabay yumuko ang mga Esniyan.

Natahimik ang lahat at inabangan ang susunod na salitang lalabas sa bibig ng Mahave. Hindi nila inasahan ang pagdating niya at mas lalong hindi inasahang si Tala ang dahilan nito. Napaka-espesyal ng pagkakataong ito para sa buong Esniya, lalo na kay Tala. Nagpakita si Mahave Gregor para lamang iligtas siya sa mga spekulasyon.

"R-Rylie? Anong ginagawa mo rito? B-Bakit ka narito?" nagtatakang tanong ni Tala. Wala siyang nakuhang sagot sa Mahave kaya't binaling ang paningin kay Janeng, "MJ? Alam mo ba 'to? Si Rylie 'to 'di ba?" napakamot sa ulo si Janeng.

"Tala, I'll explain everything later," pagpigil ko sa kaniya.

"Talaga nga namang pinangatawanan mo na ang pagiging mangmang, Kristallene Cielo," humakbang ang Mahave papalapit sa gawi namin.

"A-Anong sabi mo? Ikaw bata ka---" lalapit sana si Tala ngunit nahawak ko agad siya sa braso.

"Tala, calm down," bulong ko. Nabaling na naman sa amin ang atensyon ng mga Esniyan at para bang hinuhusgahan si Tala. "He's one of the Mahavelima but... in Rylie's body."

"Mahavelima cute size, gano'n? Paano'ng magiging Mahavelima 'yan eh wala pa yatang sampung taon 'yan?"

"Labing isa..."

"Oh? Eleven years old pa lang siya! Narinig mo?" tinarayan ako ni Tala habang nakahalukipkip. Matatawa na lang siguro ako kapag nalaman niya kung ilang taon na ang Mahave.

"Labing isang siglo at walong taon." Naibaling ko ang tingin kay Mahave Gregor nang banggitin niya iyon. Talagang bumabalik na ang alaala niya. Si Tala kaya... kailan?

"H-Ha? Siglo?" Hinatak ni Tala ang damit ko at bumulong nang pasigaw. Nanlaki ang mga mata niya ngunit kunot ang noo. "In English... Century? Right? Raiden, right?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BUWI: Sanlibong Taong PaghimbingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon