Hi mga bobo!
Naglagay ako ng mga larawan sa para mas ma-imagine niyo yung settings. Aminado naman akong bobo ako sa pagpapaliwanag kaya sana maintindihan niyo. Obligado kayong magustuhan yung mga larawan dahil in-edit at ginuhit ko talaga siya ng vongga kahit stressivility na ang ferson.
Thank you! Happy reading!
***
- T A L A -
Kusa akong sumama sa kanila. Ilang minuto na ang lumipas mula nang isakay nila ako sa isang kalesa. Maluwag sa loob nito at sa tingin ko ay kasya ang walong pasahero. Pinagigitnaan ako ni Japs at MJ habang katapat naman namin si Isla at dok Aly.
Mula kanina ay walang salitang lumabas mula sa bibig ko. Ramdam ko ang mga mata nilang nagmamasid pero hinayaan lang nila akong manahimik. Kinuha ko ang pagkakataong 'yon para pag-isipan kung saan ako magsisimula. Tatanungin ko ba sila? Alam kong sila lang ang makakasagot sakin, alam kong matutulungan nila ako. Kailangan ko ring mapatunayan kung totoo bang kaya akong kontrolin ng duyani. Kahit imposible, humihiling pa rin ako na sana hindi 'yon totoo.
I would never kill anyone... I would never kill Cali.
I'm a thousand times sure, hindi ako mamamatay-tao.
"WHOOOH!" hindi ko napigilang humiyaw. Sasabog na utak ko kakaisip. Napatingin ako sa mga kasama at hindi maipinta ang mga mukha nila. Hindi ko alam kung nagtataka ba sila o natakot sa biglang pag-sigaw ko. "Whoooh is that girl I see---" pahina nang pahina ang pagkanta ko.
"You can remove her handcuffs," utos ni dok Aly kay MJ.
"S-Sorry manay," bulong ni MJ at tinanggal ang posas sa kamay ko. "Kailangan lang talaga namin siguraduhin na hindi ka makakawala. Sabi kasi nila ayaw mo raw ipatanggal yung duyani sa loob ng katawan mo eh."
So hindi nila ako pinosasan dahil nakapatay ako ng inosenteng tao? Pinosasan nila ako dahil ayaw kong tanggalin yung duyani? Well... dahil sa sinabi nilang nakapatay ako, kating-kati na akong ipatanggal 'tong bwiset na duyani na 'to.
"I understand," walang ganang sabi ko habang nag-uunat ng kamay. Huminga ako nang malalim at saka pinatunog ang mga buto sa daliri. Natigil ako sa ginagawa nang biglang maamoy ang dagat.
"Its not like she can runaway from here." Kalmadong sumandal si dok Aly at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng coat.
"Hindi ka naman siguro tatakas ano?" natatawang sabi ni Isla. Pumitik siya sa ere at biglang lumabas ang isang bote ng alak mula sa kawalan. Nagliwanag ang mga mata ko nang magsalin siya sa isang shot glass. "Shot tayo mi?"
BINABASA MO ANG
BUWI: Sanlibong Taong Paghimbing
FantastikSa kagustuhang tumakas sa realidad ng buhay, si Tala, isang illustrator sa isang publishing company, ay nag-resign sa kaniyang trabaho. Hinihiling niyang pahinga at katahimikan ang mahanap sa bakasyon dahil ilang buwan na siyang apektado mula sa pag...