/6/ SUGATANG PINTUAN

219 14 7
                                    

Muli ay aking dinaanan ang pamilyar na lagusan,

kabisa'ng kupas na larawan, walang pagkakakilanlan.

***

- T A L A -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


- T A L A -

Pagpasok ko pa lang ng bahay ay hinubad ko na ang relong suot. Dali-dali akong tumakbo sa kwarto at hinalungkat ang bag ko. Kinuha ko ang box ng relong nahalungkat ko at napako ang tingin sa malaking peklat na nasa pulsuhan ko. 

"Kristallene Cielo, you better not loose it. HAHAHA!" Natawa pa ako at iniwas ang tingin doon.

Isa-isa ko ulit pinasok ang mga gamit ko sa bag. Kinuha ko ang laptop at sinubukang buksan iyon. Buti at hindi ito natabunan sa bahay nila mamay Lina. Ang problema lang ay kailangan kong tipirin ang battery dahil walang kuryente. Binuksan ko ang data ng phone ko para sana gawing hotspot 'yon pero bigla ay sunod-sunod na nagpop-up ang mga notifications. Message agad ni Raidemonyo ang nakita ko kaya nakapikit akong in-exit 'yon.

Ayokong makabasa ng mga email. Pakiramdam ko hindi kaya ng utak ko yung mga mababasa ko kahit simpleng message lang 'yon. Gusto ko na ngang kalimutan na may buhay ako sa Manila. Ayoko muna... ayoko muna silang isipin!

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok doon.

"Manay?" si MJ.

"Sige pasok ka lang."

"Hihihi. Nahihiya po ako," nagkamot siya ng ulo.

"Aba at sa akin ka pa nahiya?" sabi ko. Wala siyang nagawa kundi pumasok.

"E-Eh... Pwede bang dito muna ako matulog sa bahay mo? Sabi po kasi ni mamay Lina samahan kita habang nandito ka. Mahirap namang mag-isa kasi diba? Alam mo na... maraming guys dito sa baranggay."

"Hmmm..." tumango ako.

"Waaah! Talaga?" nabigla siya.

"O-Oo. Okay lang naman sa akin. Ang laki-laki ng bahay, maraming space for you."

"Sige manay! Kukuhanin ko lang po yung gamit ko sa kabila."

Nang makalabas siya ng bahay ay ibinalik ko sa paningin ang laptop. Bumungad sa akin ang isang news article.

Isang disiotso anyos na dalaga ang natagpuang palutang-lutang sa isang ilog. Sinasabing ang batang ito'y nagpakamatay---

"Napakaaaa! Kakabukas lang Kristallene, kakabukas lang!" Napatingin akong muli sa pulsuhan ko. "Ang daya."

Bakit sila? Bakit walang sumagip sa kanila? Bakit walang sumulpot para pigilan sila? Bakit sila lang? Bakit sila lang may karapatang mawala sa mundo? Bakit sila nag-tagumpay? Bakit ako hindi?

Kinuha ko sa gilid ko ang phone at saka pinatay 'yon ganoon na rin ang laptop ko. Buti pa cellphone madaling patayin. I wish it was this easy... just press a button for a sec and your world will shutdown. Sana all.

BUWI: Sanlibong Taong PaghimbingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon