/16/ HIMIG NG HATING GABI

189 9 2
                                    

After a week may update na rin HAHAHA! Check out the new banner, hope you like it!

Anyway, things are just getting started! Hmmm...

Anyway, things are just getting started! Hmmm

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

- T A L A -

"K-Kuya Singko?" Natigilan kaming dalawa nang may kumatok mula sa labas. Nang bumukas ang pinto ay bumungad sa amin ang nakayukong si Japs. Bitbit niya ang isang box na parang play station ang laman. "Kumanhawi... n-nakakaistorbo po ba ako?"

"Kuya Singko! Busy ka?" Sumulpot sa likod niya si MJ na may yakap na unan.

"Can I borrow your coffee maker?" Sumunod naman ay si dok Aly na may dalang coffee capsule.

"Oh anong ginagawa niyo dito mga mi?" Kunot-noong tinignan ni Isla ang mga kasamang nagkumpulan sa pintuan ni Raiden. "Dating gawi?" pumitik siya sa ere at inilabas ang alak.

Walang sumagot sa tanong ni Isla, nagkatinginan silang lahat at nag-unahan papasok. Lalong nangunot ang noo ko nang umupo sila sa sahig at halos magtulakan pa para lang tabihan si Raiden. Parang hindi ako nage-exist sa paningin nila! Wala man lang ni isa sa kanilang pumansin sa akin.

"Rest day mo kuya diba? Pa-sleep over!" Tagalagang namana sa akin ni MJ ang pagtulog-tulog sa ibang bahay ano? Pero bakit sa bahay ng lalaki?!

"No, we have something to discuss. Right Singko?" Nasaan ang angas mo ngayon dok Aly?

"Singko diba sabi mo pag-uwi mo mag-iinuman tayo?" Aba't akala ko napadaan lang si Isla?

"K-Kuya... H-Hindi ko pa nagagamit 'tong PS5." Maski ang pagka-mahiyain ni Japs ay nawawala.

What the hell is happening? Bakit ang clingy nila kay Raiden?!

"HAHAHAHA! Isa-isa lang naman. May bisita ako," sinulyapan niya ako.

Did Raiden just laugh? Sa harapan ko?! 

Napatingin silang lahat sa akin, para bang bumalik sila sa pagiging normal. Nagsi-upuan sila nang maayos at nagturuan pa kung sinong magpapaliwanag ng mga nangyayari.

"Ganito po talaga kami kapag rest day ni kuya Singko. Tsaka after 3 months ngayon lang ulit namin siya nakasama," sabi ni MJ.

"Kaya nga mag-iinuman kami ngayon." At nagsimula na naman silang pag-agawan si Raiden.

Lumipas ang oras na puro kwentuhan ang naganap. Kaniya-kaniyang pagpapa-bida tungkol sa mga misyon habang kami ni Raiden ay nakikinig lang. Namamangha ako sa mga karanasan nila bilang Yarishna.

Biglang sumingit si Isla at sinabi iyong mga nangyari sa misyon niya kanina. Binalot ako ng hiya nang banggitin niyang niyakap ko si Bene. Nasisira na naman ang maldita image ko!

BUWI: Sanlibong Taong PaghimbingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon