/8/ BLANGKONG PAHINA

216 12 4
                                    

This chapter contains constructed language called "Esnibay." Translation at the end of the chapter.

***

- M A R Y  J A N E -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- M A R Y  J A N E -

"M-Manay dahan-dahan lang." Inalalayan ko si manay Kristal nang magmadali siyang umalis sa kama. Kinuha niya ang bag niya at inilabas ang charcoal pencil, brush, at sketchpad. Nagtataka akong sinundan siya papunta sa labas ngunit bago pa man ako makarating sa pinto ay hinarang ako ni doktora Aly.

"I received a message from Consi, mauuna na kami ni Ai sa Punglo. Japeth maiwan ka dito samahan mo si Neng." Tinapik niya ang balikat ko.

Inilipat ko ang tingin kay ate Ai at napangiti na lang ako nang kindatan ako nito habang naka-thumbs up pa. "Yuan ve ayi," bulong niya.

"Ingat po," tipid na sabi ko. Pinanood ko pa ang sabay nilang pagpikit bago naglaho.

Bilang mandirigma ng Punglo, isa sa mga misyon ko ngayon ay bantayan si manay Kristal. Pumupunta lang ang iba dito kapag kailangan ko ng tulong, katulad ngayon. Nakatulog ako habang binabantayan si manay Kristal. Paggising ko ay nakita ko na lamang siyang basang-basa at nakahiga sa sofa. Sa ilang oras na 'yon ay maraming pwedeng mangyari... what if may nangyari habang hindi ako nakatingin?

Mas lalo akong na-pressure. Pakiramdam ko makakadagdag na naman ako sa trabaho ng squad.

"Japs sabi ko ayusin mo damit mo. Kanina ka pa pinagsasabihan ni ate Ai hindi ka nakikinig. What if mahubad 'yan, edi nakita ka ng mga tao dito? Ni manay Kristal?" Paano ba naman kasi? Hindi nakasuot sa isang braso yung sleeve.

"K-Kumanhawi." Ayon na naman ang uutal-utal na salita niya habang nakayuko.

"Aysus! Diba sabi ko naman sa'yo, chin up!" nakangiti kong hinawakan siya sa dalawang pisngi. "Okay lang Japs. Ayoko lang talagang pumalpak. Malaki lang talaga kasi utang na loob ko kay kuya Singko kaya sobrang big deal sakin nitong mission na 'to. Kahit ilang araw lang, gusto ko pa ring gawin yung best ko. Kaya ayusin mo na 'yang hoodie mo kung ayaw mong kaltukan kita."

Katulad ko, si doktora Aly, ate Ai, at Japs ay mandirigma rin ng Punglo. Ang tawag sa mga katulad namin ay Yarishna. Lahat ng members ay may itim na blazer o jacket, nagsisilbing armor ng bawat-isa. Ang tela at sinulid na ginamit panghabi sa mga iyon ay binasbasan ng mga Mahavelima. Binibigyang proteksyon at itinatago nito ang presensya ng kung sinumang may suot nito. Kaya kahit apat na araw na silang pabalik-balik dito, hindi sila nakikita ni manay Kristal, mamay Lina, o sinumang taong walang baiwari o psychic abilities.

"Sa akin nagtiwala si kuya Singko at ayokong maging problema lang sa inyo. Nagwo-worry lang ako kasi ayokong maulit yung nangyari kanina. What if pabigat na pala yung tingin sa akin ni Consi?"

BUWI: Sanlibong Taong PaghimbingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon