/11/ LAKAN, SUGO'T KAHALILI.

157 8 2
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

- T A L A -

"Yami! I miss you baby!"

Tumakbo ako nang makita ko si Yami sa tapat ng isang bahay kubo. Kahit hindi pa masyadong maliwanag ang kalangitan, kita kong tumakbo rin siya palapit sa akin na para bang nanabik na lawayan ako. Ibinuka ko ang mga kamay at lumuhod para salubungin siya ng yakap. Pakiramdam ko ay bumabagal ang oras ngunit mas tumitindi emosyon ko. Ngayong nakikita kong papalapit si Yami ay lalo ko siyang namiss. Magtatagpo na sana kami sa gitna nang bigla siyang lumihis at nilagpasan ako.

"Y-Yami?" naestatwa na lang ako habang nakaluhod. Pati aso ko ba naman pinapahiya ako! Unti-unti kong binaling ang ulo sa likuran at napanganga na lang nang makitang naka-upo si Yami sa harapan ni Raiden. Dahan-dahan kong itinikom ang bibig kasabay ng pagkuyom ng mga palad.

"Give me back my baby..." binulong ko yon sa pinakamalamig na paraang alam ko. Bulong na may halong pagbabanta at sama ng loob.

"It's not what you think---" pagmamaang-maangan ni Raiden.

"I-Isang gabi pa lang kayong magkasama. How could you?" Tumayo ako at humakbang palapit sa kanila pero nanatiling nasa baba ang paningin.

"Tala---"

"Don't 'Tala' me. I said give me back my baby. Yami, you cheater! Akala ko ba ako lang? HUHU hindi mo na ba ako mahal?!" Lumuhod ako sa harap ni Yami. Tumagilid ang ulo niya at iginalaw ang tenga.

"Wag kang sumigaw---" awat ni Raiden.

"Wag kang magsalita!" sigaw ko kaya na tahimik siya. "Anong gusto mong isipin ko? Na nag-usap lang kayo buong gabi sa ilalim ng iisang bubong? How could you do this to me Yami? Gawain ba ng matinong aso 'yan?" umakto akong malungkot at niyakap ang sarili. Naramdaman ko na lang na nakahiga na ako sa sahig nang bigla akong talunan ni Yami at saka pinaliguan ng laway. Great!

"UWAAAH! Amishu Yami-kun!" sigaw ko habang nakatakip ang bibig.

"S-Siya po si Yami?" biglang lumabas si MJ at ang iba pa mula sa kubo kung saan nanggaling si Yami. "Kung gano'n, sinasabi mo pong permanent enemy mo ay si kuya Singko?"

"Singko?" nangunot ang noo ko. Tumayo ako at inayos ang sarili.

"Si kuya Quentin po," nakangiting sabi niya.

"Singko? Anong kaartehan ng nickname na 'yan?" nilakasan ko ang boses.

"Ikaw lang naman tumatawag sa'kin ng Raiden," kalmadong sabi ni Raiden mula sa likuran ko.

"Anong gusto mo itawag ko sa'yo? Quentin? Kung saan nagla-lunch yung mga estudyante?" Humarap ako at siniringan siya.

"Mi canteen yun mi," rinig kong natatawang sabi ni Isla.

BUWI: Sanlibong Taong PaghimbingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon