/17/ ANG DAKILANG MAHAVE

315 7 8
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

- R A I D E N -

I grabbed the opportunity while Tala's getting ready. Nang i-slide ko ang pinto ng kwarto ko ay pasimple akong gumawa ng portal papunta sa San Antonio Tower. Sa oras na itapak ko ang paa sa loob ng kwarto ay narating ko ang condo unit ni Tala. Pumunta ako sa working station niya kung saan nandoon ang customized book shelf para sa mga published books niya. Tinanaw ko sa pinakataas ng shelf ang 'The Voice of the Dawn' at pinalutang iyon. Inilahad ko ang palad at hinintay ang marahang paglapat ng libro.

"Page 222?" Bigkas ko pa at mahinang hinipan ang mga pahina hanggang sa matunton ang numerong 222.

'Paeng gising na! It's time to wake up oh! Male-late ka na naman! Your boss will probably get mad at you again.' Sinubukang gisingin ni Eden si Rafael. Gamit ang hintuturo ay paulit-ulit niyang kinakalabit sa noo ang nobyo, hanggang sa tuluyang magmulat ito.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa iyon. Para bang tumatagos ang paningin ko sa libro hanggang sa tuluyang matulala sa kawalan. Right! Nagsimulang magsulat si Tala noong nawala ako sa tabi niya, bakit nga ba hindi ko man lang naisip ang mga libro niya?

Wala sa sariling pinilas ko ang pahinang iyon at nang bumalik sa katinuan ay muling sinuyod ang libro. Anim na pahina ang pinunit ko sa 'The Voice of the Dawn' ngunit hindi ako nakuntento at kinuha sa shelf ang isa pang libro.

Infinite Drowning? Sounds like Lunduyan to me.

Bubuklatin ko na sana iyon ngunit biglang may kumatok sa pinto. Nagmamadali akong dinampot ang mga pahinang pinilas at inipit sa librong hawak ko. Bago ko buksan ang pinto ay kinalma ko ang sarili. Hindi ako dapat magpadala sa emosyon... baka makahalata sila na galing ako sa labas.

Nang buksan ko ang pinto ay bumalik sa normal ang buong kwarto. Narito na ulit ako sa Esniya at bumungad sa akin si Tala na nakahalukipkip habang ang isang kamay ay nakahawak sa sintido. Hindi ko alintana ang matatalim niyang tingin dahil nakakapukaw ng atensyon ang itsura niya. Sumisilip sa maliit na tuwalya ang basa at mahaba niyang buhok habang may concealer sa ilalim ng mga mata na hindi pa nab-blend. Pinigilan kong matawa.

"Kakain na ho 'SIR' Raiden Quentin Villaluna," taas ang kilay na tinignan ako bago tinalikuran.

Pasimple kong hinagis sa kama ang librong hawak at sumunod sa kaniya papuntang dining area.

"Bakit hindi ka naka-formal?" Tanong ko nang mapansin ang ripped jeans na suot niya. Naupo siya sa sofa at nagtuloy sa pag-aayos ng makeup. Naka-dekwatro pa siya habang nakatapat ang mukha sa salamin, gamit ang daliri ay inayos niya ang concealer, saka naglagay ng makapal na layer ng pulbos. Gumuhit siya ng itim na linya sa mata niya gamit ang eyeliner.

"Sino ba nagsabing magt-trabaho ako? May kukunin lang ako sa office ko kaya ako sasama sa'yo. Ay! Tsk!" inis siyang yumuko para damputin ang nahulog na eyeliner.

BUWI: Sanlibong Taong PaghimbingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon