Chapter 7

135 7 1
                                    

A/N: Give me some feedback naman po para malaman ko if you're enjoying this story. :) Keep Voting also guys. ;)

Chapter 7.

Shiela's POV

Nakakalungkot..

Nakakalungkot kasi meron na namang problema ang barkada.

Bakit kaya sa tuwing darating ang school days, palaging may problema ang barkada..

Kasama ko ngayon si Joyce at Saab, si Nicole at Rianne kasi nasa mga boyfriend nila and they're also helping Mathew to cheer up.

Si Kath, nasa adviser namin, siya muna pinapunta ko sa adviser namin to update our teacher about sa mga teachers namin.

Si Mc, Jessa at Marilou nasa canteen.

"Hindi ko na kaya." Sabi ni Joyce, iyak pa rin siya ng iyak hanggang ngayon.

"Okay lang yan be. Okay na siguro yung time out muna." Sabi ni Saab.

"Akala ko maiintindihan niya ako." Joyce said.

"Naiintindihan ka naman niya, siguro masakit lang talaga." Sagot ko..

Tapos biglang tumayo si Joyce, nagpaalam siya sa amin.

Uuwi na lang daw siya, pumayag na lang kami kesa makita naming hirap na hirap sila ni Mathew na mag-iwasan..

Pagkaalis ni Joyce, unti-unting nagbalikan yung barkada sa class room.

"Oh asan si Joyce?" Tanong ni Mc.

"Uuwi na lang daw siya muna." Sagot ko.

Tapos napa-deep breath si Jessa at Mc, saktong dating ng boys sa room..

Dun namin nakita si Mathew na parang ninakawan ng buong bahay.

Grabe, sobrang lungkot ni Mathew.. sobrang laki at lakas ng impact sa kanya nito.

But the good thing is, okay na sila ni Alex. Isa pa nga si Alex sa mga umaalalay kay Mathew papasok ng room eh.

Ren's POV

Back to reality.

We have to face this.

Lalo na si Mathew, alam naming mahirap but we have to do everything para maging okay si Mathew.

I remember last year, and yung mga araw na naging si Alex at Joyce.

Sobrang galit, lungkot at sakit yung naramdaman ni Mathew.

Dumating pa sa point na pinag-awayan pa naming lahat yun..

Magpeprepare na sana kami for our next class nang bigla kaming may natanggap na balita.

Hinimatay daw si Joyce habang naglalakad pauwi..

Hindi sinabi sa amin ng girls na umuwi kasi siya eh..

Wala kaming ibang ginawa kundi ang magtakbuhan palabas ng school.

As in buong barkada, gulat na gulat yung guard sa amin..

"Saan kayo pupunta?!" The guard asked us.

"Kuya! Dinala sa ospital yung classmate namin!" Sigaw ni Saab.

"Pano ko kayo paniniwalaan?!" Sabi pa nung guard.

"Then pasunurin niyo ang school principal sa amin para maniwala kayo!" I shouted.

Wala nang nagawa si manong guard nang magtakbuhan na kami palabas ng gate.

Isa-isa kaming nagsakayan sa mga tricycle, para makarating agad sa ospital na sinasabing pinagdalhan kay Joyce.

It Started With A JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon