A/N: Readers, again, iplug ko lang ang first book nito. :) entitled STATUS: IT'S MAGULO! thanks
Chapter 23.
Ren's POV
It's been 2 weeks simula ng ma-confine si RJ sa ospital..
Ang sabi ng doktor, mahina daw ang katawan ni RJ, kailangan muna daw niyang magpalakas bago gawin ang operation.
Pero, aaminin ko, mas lalong hindi gumaganda ang lagay ni RJ.
Mas lalo siyang pumapayat..
Namumutla.
And 2 weeks na rin malamya ang barkada.. lahat kami hindi mapakali everyday..
Lalo na si Shiela, nangangamba na nga kami kay Shiela eh. Ayaw niyang umalis sa tabi ni RJ.
May shifting kaming ginagawa eh. 3 tao ang magbabantay kay RJ per 3 hours..
At mamaya na yung pagbabantay namin ni Nicole at Alvin kay RJ..
Si Shiela, nandun lang. Iniisip nga namin yung pag-aaral niya eh..
Shiela's POV
Habang nagbabantay si MC, Christian at Marilou kay RJ. Ako naman, nandito sa chapel..
Non-stop yung pagdadasal ko na sana maging okay na si RJ.
Sana lumakas na siya..
Kasi hindi ko kakayanin.
Masakit.
Yun palang mag-break na kami hindi ko na yata kakayanin, eto pa kayang maghihiwalay kami nang wala ng balikan?
Ayoko. Masakit sa dibdib, ang hirap tanggapin.
Maya-maya, may tumabi sa akin.
Tinignan ko kung sino yun, then I saw Ren.
Tumingin siya sa akin and he hugged me.
"Shiela, kinausap kami kanina ng adviser natin, winawarningan ka na niya." Sabi sa akin ni Ren.
Hindi ko napigilang maiyak.
"Ren, naiintindihan mo naman ako diba?" I said.
"Shiela, paano yung pag-aaral mo?" Tanong sa akin ni Ren..
"Nag-promise ako kay RJ, hindi ko siya iiwan." Sagot ko.
"Shiela, naiintindihan kita. Kasi kagaya mo, naramdaman ko na yan. Not just once but twice. Masakit, oo. Nakakapanlumo, pero Shiela, hindi mo kailangang pabayaan yung ibang priorities mo." Sabi ni Ren.
"Shiela, kailangan ka ng pamilya mo, kailangan ka rin ng sarili mo." Sabi pa niya..
Tapos niyakap ko si Ren, and naiyak na talaga ako ng sobra..
"Ang sakit eh, ang sakit-sakit. Ayokong mawala sa tabi niya. Gusto ko palagi ko siyang nakikita." Sagot ko.
Ren's POV
Awang awa na ako kay Shiela, gusto ko siyang tulungang mag-relax but I don't know how..
"Shiela, nandito kami. Hindi namin papabayaan si RJ." sabi ko pa.
I'm convincing her na pumasok na ulit sa school. Last week kasi, lilitaw at lulubog siya sa class
Pero ngayon, 5day streak hindi siya pumasok ng school.
Gusto kong maawa sa kanya, sobrang gusto ko.. pero iniisip ko rin yung kalagayan ni Shiela, ayokong masayang yung pag-aaral ni Shiela..
Mataas ang expectations ng maraming tao sa kanya..
BINABASA MO ANG
It Started With A Joke
General FictionThe Barkada's Love Story is NOT YET finished. Book 2 of STATUS: IT'S MAGULO!