Chapter 9

100 6 1
                                    

A/N: Maraming salamat sa patuloy na suporta Readers! :) Naaappreciate ko talaga yung mga feedback niyo! I have good news! At malalaman niyo yun, sa last part ng chapter na toh! Enjoy Reading!!

Chapter 9.

Joyce's POV

"Kamusta si Mathew?" Tanong ko kay Jessa..

Nandito kami sa cr, panigurado naman na hindi malalaman ni Mathew na kinakamusta ko siya dahil nasa cr kami eh.

"Okay naman." Matipid na sagot ni Jessa.

Then I gave her a simple short smile.

"Mukhang sa pag-iwas ko kay Mathew, pati yung pagkakaibigan nating lahat nadadamay." Sabi ko pa kay Jessa

Tapos lumapit sa akin ng kaunti si Jessa.

"Honestly speaking, Oo. Kahit naman sino, maaapektuhan lalo na kapag dalawang kaibigan mo yung pilit na nag-iiwasan." Sagot ni Jessa

Tapos napayuko lang ako.

"Don't worry, magiging okay din ang lahat. Kaunti na lang! Makakabalik ka na sa barkada." Dagdag pa ni Jessa.

"Ha? Bakit?!" Pagtataka ko.

"Pasalamat na lang tayo na open si Mathew na maging okay ang lahat. Gusto niya rin maka-move on kumbaga." Sabi ni Jessa

"Eto na talaga yung kinatatakot ko noon pa lang eh, yung dumating sa point na maghiwalay kami kasi kelangan." Sabi ko kay Jessa.

Pero natawa rin ng kaunti si Jessa.

"Be. Hindi ganun yun, siguro nakulangan lang kayo ng dalawang salita. 'Paglaban' at 'Pagkapit'." Sabi ni Jessa.

Tapos pinutol ko na lang yung conversation namin, niyaya ko na siya pabalik ng class room.

pero bago kami makabalik ng class room, may nakita akong familiar person sa tapat ng class room namin.

May dala siyang flowers.

Nakaporma, so obvious lang na hindi siya dito nag-aaral dahil bawal sa school ang ganong porma kapag walang event.

Tapos paglapit namin ni Jessa, papasok na sana kami ng biglang hinawakan ng lalakeng yon yung braso ko.

At dun na ako nagulat.

"Joyce!" Nagulat akong sabi niya.

Sa gulat ko, napa-frown ako. Pinipilit kong alalahanin yung mukha niya pero hindi mag-process utak ko.

tapos bigla siyang napangiti "hindi mo na ako kilala? Joyce, it's me Jad!" Sabi pa niya.

Tapos biglang nagprocess yung utak ko.

"Jad?! OMG! Jad Pilapil?" Tanong ko.

Tapos nag-up and down yung head niya.

"Omg! What are you doing here?" Sabi ko.

Tapos bigla niyang inabot sa akin yung flowers na bitbit niya..

"For me?" Tanong ko.

"Oo naman! Kanino ka pa ba?" Sabi pa niya.

"Omg! You looked so matured na! Grabe! Di kita nakilala." Sabi ko.

Yung pagtataka ko kanina, nauwi sa excitement.

Well, Jad Pilapil is my childhood bestfriend.

Sobrang kulit neto nung mga bata kami!

Tuwang tuwa nga parents namin kapag nag-aasaran kaming dalawa noon eh.

It Started With A JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon