A/N: Like what I've said, dadalasan ko na ang pag-update. So, eto. Hahaha enjoy reading! ❤
Chapter 12.
Shiela's POV
"Ayos lang ba kayo?" Tanong ulit ng lalake sa harap ko.
Nang medyo matapatan siya ng ilaw dito, dun ko siya nakilala.
"RJ?" Tanong ko.
"Ano?" Sabi niya.
Tapos dun ko siya pinaghahampas at pinagyuyuyugyog.
"Huy, ano ba?" Sabi niya sa akin.
"Bakit ka nakipagsapakan sa mga lasenggero na yun?" Tanong ko.
Tapos medyo natawa siya ng konti tapos biglang nag-frown..
"Ang labo mo. Syempre pinagsasasapak si Mathew, binawian ko lang." Sabi pa niya..
"May nalalaman ka pang pabawi-bawi, kayo talagang mga lalake mahilig sa away!" Sabi ko pa.
"Alam mo ang labo mo, ako na nga yung nagpunta dito dahil nag-aalala ako sa inyo eh. Nagpunta ako kaagad kasi nagulat ako bakit nasa ganitong klaseng lugar ka. Tapos ako pa yung mali ngayon na pinagtanggol ko kayo? Tss." Sabi niya sa akin ng pasigaw mode.
Medyo naasar ata siya sa akin. Kaya medyo napayuko na lang ako.
Tapos inalalayan niya na si Mathew palabas ng bar.
Paglabas namin, ako na yun tumawag ng taxi.
Tapos nang makasakay na kami, siya na yung pumwesto sa tabi ng driver, ako at si Mathew naman sa likod.
I look at the mirror sa harap ng driver kung saan kita dun si RJ.
Galit ata siya sa akin. Ang gaga ko kasi eh, may point naman siya. Ako yung nanghingi ng tulong, siya na yung tumulong tapos inaway ko pa siya..
Then pagbaba namin sa bahay nila Mathew, inalalayan namin pareho si Mathew papasok sa kanila.
Nagulat kami ng makita namin yung mommy ni Mathew sa may pintuan nila, hinihintay si Mathew.
Paglapit namin sa mommy ni Mathew, dun na ako nag-start mag-explain.
"Tita, sorry po. Nagkakayayaan po kasi sila eh, pero hindi naman po sila totally nalasing. Pinatulog lang po namin sila dun then ayun ganito na po. Pasensya na po talaga." Sabi ko.
"Okay lang, buti tulog na yung daddy niya nung dumating na kayo. Akala ko nga hindi siya uuwi eh, I'm just waiting for his text kaso wala." Sabi pa ni Tita sa akin
Hmmm. Akala ko ba strict ang parents ni Mathew? Bakit parang hindi naman yung Mommy niya?
"Kasama ka rin nila hijo?" Tanong ni Tita kay RJ.
"ay hindi ho. I just texted him na tulungan ako kay Mathew." Sabi ko kay Tita.
"Ah. Pasok muna kayo saglit." Sabi ni Tita sa amin.

BINABASA MO ANG
It Started With A Joke
General FictionThe Barkada's Love Story is NOT YET finished. Book 2 of STATUS: IT'S MAGULO!