Chapter 17

83 8 3
                                    

A/N; Nakakatuwa kasi kahit papaano may active pa rin sa mga readers ko. ;)

Chapter 17.

Shiela's POV

"Huy! Ano tara na?" Aya sa akin ng girls..

Today is the day na magpapalamig kami kahit papaano.

Ang init na kasi ngayon sa Pinas kaya naisipan din naming mag-swimming..

"Eh teka, paano yung ibang boys?" Tanong ko sa kanila..

Ang kasama lang kasi namin ngayon, si Jeff kasi kay Rianne. Tsaka si JM.

Sabi naman ni JM, itinuro na daw niya kina Ren yung way dahil nga sila ang may dala ng mga food..

"So, silang lahat nandoon?" I asked pa.

"Hmm. Your Mr. SMU, hindi makakasama." Sagot ni Saab sa akin.

"Ha? Bakit?" Tanong ko ulit.

"Ay makapag-react teh? Hindi daw siya pinayagan ng Mama niya" sagot naman ni Abi..

Dahil hindi ako nakuntento sa reason ni RJ, I decided to text him..

RJ's POV

"Sigurado ka ba anak sa gagawin mo?" Tanong sa akin ng Mama ko..

"Ma, binata na ako. Tsaka ayokong ipagkait toh sa sarili ko." Sagot ko naman.

Ipinaalam ko kasi sa kanya na magsiswimming kami at yung plano naming boys..

Then Mama hugged me, "Anak, I'm just thinking about you."

"Ma, kaya ko." Sagot ko naman.

Maya-maya, nung kukunin ko na lang yung ibang gamit ko sa kwarto, bigla akong nasamid..

Then biglang nataranta si Mama kaya kumuha agad siya ng tubig..

"Anak, ano ba. Sama kaya ako." Sabi ni Mama.

"No, Ma. Kaya ko toh. Tsaka isa pa, hatid sundo naman kami." Sagot ko kay Mama..

Maya-maya naramdaman kong nag-init yung ilong ko..

"Anak, yung ilong mo." Sabi ni Mama.

Then hinawakan ko yung ilong ko, then I saw blood from my nose..

"Anak, please. Ipagpaliban mo muna toh." Sabi ni Mama.

Pero sakto namang nakarinig kami ng busina galing sa labas ng bahay..

"Ma, init lang toh. Iinom lang ako ng tubig." Then, pumunta ako sa kusina para kumuha ulit ng tubig..

Pagkatapos kong uminom, pinunasan ko yung ilong ko and nag-wave na ako kay Mama..

Paglabas ko, bumungad sa akin yung boys na walang ibang maipinta ang mukha kundi excitement..

"Are you ready?" Ren asked me.

Then sumakay muna ako sa sasakyan na gamit ng barkada bago ko sagutin tanong nila..

"Eh mukhang kayo nga mas excited sa akin eh, kayo yung pormado oh. Hahaha" sabay tingin nila sa mga damit nila..

"Ganun talaga. Kami pa ba!" Sagot ni Alvin..

"Ay teka guys, nasaan na daw sila?" Mathew asked.

"Kakatext lang ni Shiela nagagalit siya bakit daw hindi ka sasama RJ. HAHAHAHA. Si Saab, Shiela, Abi, Jeff, Rianne, JM, Mc, Marilou at Jessa nandun na." Sagot ni Ren kay Mathew..

It Started With A JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon