A/N: Add niyo si author sa fb, just search Redhot Prince. Para mas updated pa kayo sa salitang updated. Hehe. God Bless, Enjoy Reading everyone! ♥♥
Chapter 10.
Mathew's POV
"Kamusta ka naman?" Tanong ni Saab kay Jad.
Habang nagkakainan kasi nagkukwentuhan SILA. Yeap, sila lang. Hindi ako interesadong makipagkwentuhan sa kanila.
Kada titingin ako sa mga nag-uusap, napapansin kong tinitignan ako ng Mommy ni Joyce.
Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero iba ang kutob ko.
"Okay naman ako. Kayo ba?" Sagot ni Jad kay Saab.
"Okay naman kami. So, gaano ka katagal dito sa Pilipinas?" Sabay tanong naman ni Abi sa kanya.
Then Jad looked at his parents first before he answered the question
"Actually, this week din ang balik ng parents ko sa Australia. Pero ako, bahala na." Sagot ni Jad.
"Jad is right. Actually siya ang nagyaya na pumasyal dito sa Pilipinas, sabi niya miss na daw niya eh. Tapos bigla kong naalala yung kapitbahay namin na mababait." Sabay sabi ng Mommy ni Jad at tingin din sa Mommy ni Joyce at kay Joyce.
"Eh saan ka mag-stay?" Sabay tanong ni Joyce kay Jad.
"If you want, ipapaayos ko yung guest room dito, tapos dito kana muna." Sabay sabi ng Mommy ni Joyce kay Jad.
Bigla akong napatingin kay Jad at sa mommy ni Joyce, nakita kong napatingin din sa akin ang mommy ni Joyce.
Binigyan niya ako ng pang-asar na look.
"Ay wag na po tita. Mag-hotel na lang po ako." Sagot ni Jad.
"Hindi ba parang mas mapapamahal ka dun?" Sabay tanong naman ni Joyce.
Aba! Concern siya ha.
Yung totoo, ano toh? Inaasar ba ako ng mga toh?
"It's okay. Gusto ko rin naman mapag-isa eh." Sagot ni Jad kay Joyce.
"Ah! So anong balak mo habang nandito ka sa Pinas? Mamasyal? Libot sa iba't ibang lugar dito?" Tanong naman ni Ren sa kanya.
"Hmm. Actually, wala naman akong masyadong plano. Kung ano lang pwedeng gawin, okay lang sa akin." Sagot ni Jad kay Ren..
"You know what, I suggest, tutal kakaumpisa lang naman ng class namin. Bakit hindi ka sumama muna sa amin habang nandito ka?" Sabay singit ni Saab..
"Yeah! Tama si Saab, or kung gusto mo, every end of the week, libot ka namin kung saan mo gusto." Sagot naman ni Abi..
Siguro naman time ko na to speak out.
"Hindi kaya mapapagastos tayo niyan?" Singit ko sa usapan nila.
Tapos lahat sila nagtinginan sa akin.
Jad gave me a smile.
BINABASA MO ANG
It Started With A Joke
Ficción GeneralThe Barkada's Love Story is NOT YET finished. Book 2 of STATUS: IT'S MAGULO!
