A/N: Anong masasabi niyo sa last chapter? Ano kaya meron? Another challenge na naman ba sa barkada? Enjoy Reading, God Bless!!
Chapter 22.
Ren's POV
Hanggang ngayon hindi pa rin kami makapaniwala na nandito kami sa ospital..
Pumunta kami dito nang hindi namin alam ang tunay na dahilan o pakay namin.
I texted Tita, RJ's Mommy. I informed her na nandito na kami sa labas ng ospital..
"Iba yung pakiramdam ko." Sabi ni Saab sa amin.
Dahil dun, bigla na rin akong kinabahan..
Hindi ko ma-explain pero siguro naaalala ko lang yung nangyari noon.
Naaalala ko si Ara sa mga ganitong pagkakataon..
Maya-maya, saktong balak na namin pumasok ng ospital ng makasalubong namin ang Mommy ni RJ.
Siya namang lapit niya sa amin.
"Omg." Narinig kong sabi ni Abi nang makita niyang namumugto yung mga mata ni Tita..
Hindi makapagsalita si Tita, she's just staring on us.
Hanggang sa nagulat na lang kaming lahat when Tita hugged me.
And naramdaman ko yung lungkot at bigat ng dibdib when Tita started to cry..
Wala akong magawa kundi yung himasin ang likod ni Tita. Para mapatigil ko siya sa pag-iyak..
Hanggang ngayon, wala pa rin kaming idea kung ano yung mga nangyayari..
"Tita, ano pong meron?" Alvin asked Tita.
"Ipangako niyo sa akin na magiging malakas kayo ha." Sabi ni Tita. Then we all agree.
Tita held my hand at hinila niya ako papasok ng ospital..
Habang yung barkada, nakasunod sa amin..
Habang naglalakad kami parang unti-unting nadadagdagan yung bigat ng nararamdaman ko..
I don't know why, pero hindi ko talaga ma-explain yung feeling ko.
Pagdating namin sa 2nd floor, Tita turned right at pumasok siya sa isang kwarto..
Before we enter the room, tinignan ko muna yung pintuan..
*Room 206*
"Pasok na tayo." Sabi ni Alvin sa amin.
But this time, hindi ako pumayag na sumama sa loob. Iba yung pakiramdam ko.
Iba, sobrang iba. Feeling ko si Ara yung nasa loob. Feeling ko Mommy ko yung nasa loob. Feeling ko may tao na namang nasa alanganin yung buhay..
*flashback*
Before I enter the room, nakarinig na agad ako ng iyak..
Iyak na galing sa Lola ko and sa Papa ko..
Kaya naisipan kong huwag na lang pumasok.
Maya-maya, napansin ako ng Tita ko na nasa hallway ng ospital..
"Bakit ka nandyan?" Tita asked me.
Pero hindi ako nakapagsalita, I want to speak pero parang napipe ako..
I just hugged my Tita and I started to cry..
Maya-maya, may mga pumasok na nurse at doktor sa loob ng kwartong pinasukan ni Lola and Papa.

BINABASA MO ANG
It Started With A Joke
Ficción GeneralThe Barkada's Love Story is NOT YET finished. Book 2 of STATUS: IT'S MAGULO!