09

2.8K 104 91
                                    

In just a snap, I was already lying on the ground.


Para akong nahilo dahil sa lakas ng suntok na natanggap ko kaya 'di agad ako nakatayo. It took me quite some time before I finally opened my eyes. Narinig ko 'yung ibang nagsigawan lalo na nang makita kong nilapitan ako ng lalaking nanuntok sa 'kin.


"Tangina mo!" Calib cursed at me.


Hindi pa man ako nakaka-get over sa suntok niya ay may natanggap ulit ako. Hindi lang isa kung 'di marami at 'di ko mabilang. I didn't know what was going on. Sa gulat at pagtataka ko sa nangyayari ay 'di ko alam kung paano ako aakto. I couldn't understand why Calib was so mad.


Malakas si Calib kaya walang naging epekto 'yung pilit na pagpigil ko sa kanya. He was fuming and although I've seen him get mad before, his anger is different this time.


May mga dumating na guwardiya at agad nilang inilayo si Calib mula sa 'kin. Nakahiga pa rin ako sa lupa habang nararamdaman kong nahihilo ako dahil sa dami ng suntok na binigay niya sa 'kin.


"Ano bang problema mo?" galit na tanong ko sa kanya nang 'di magtagal ay may umalalay sa 'kin patayo. Nahihilo talaga ako. Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako anumang oras.


"Ano'ng problema ko? Ikaw, Liege! Ikaw ang problema ko," sagot niya. Hinihingal pa siya kasi katatapos niya lang akong gawing punching bag. "Ikaw 'yung nagpakalat ng sex tape, 'di ba?"


Naguluhan ako sa sinabi niya. Literal talaga na wala akong maintindihan. Paanong ako ang nagpakalat? Ni hindi ko nga alam na may ginagawa palang gano'n sila Novem.


"Ano bang pinagsasabi mo?" gulong-gulo na tanong ko sa kanya. "Bakit mo 'ko dinadamay? May sakit ka ba sa pag-iisip?"


"Magkaibigan kayo ni Novem, 'di ba? Eh 'di malamang nagsabawatan kayo para i-set up si Miami," sabi niya. "Alam ko naman na galit ka sa 'kin dahil iniisip mong ako ang dahilan kung bakit ka na-suspend pero 'di mo naman kailangang idamay si Miami!"


Mas lalo lang akong naguluhan. "Calib, 'di ako tanga pero 'di kita maintindihan. Bakit ako nasama sa usapan? It's not like I was the one who cheated on you or slept with your girlfriend o kung ano mo man si Miami. Wala akong kinalaman sa mga pinagsasasabi mo!"


"And now you're calling her a cheater?" parang 'di makapaniwalang tanong niya. "How about your friend? Kakampihan mo 'yon?"


Halos mapahilamos ako sa mukha ko. I didn't know Calib could be this dumb. I'm so used to being misunderstood but I hate being misunderstood by him. Paano ko ba ipapaintindi sa kanya na wala akong kinalaman sa nangyari kina Miami at Novem? Miami cheated on Calib. She had sex with Novem and their sex tape got leaked. Why the fuck is he dragging me?


"I don't make friends with stupid people, Calib," sabi ko. "Kapag nalaman kong totoo nga'ng pinatulan ni Novem si Miami kahit alam niyang may namamagitan sa inyo, hindi mo na ako makikitang kasama siya. Now, I want you to fucking stop dragging me kasi wala akong kinalaman sa nangyayari."


"Your excuses are as stupid as you, Liege," he said.


Until The Last WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon