02

4.8K 139 74
                                    

"Hey."


Walang naging tugon si Calib sa bati ko. Nakatingin lang siya sa 'kin habang hawak ang surf board niya. Tumutulo 'yung tubig mula sa buhok niya pababa sa katawan niyang halatang pinaghirapan. Sigurado akong pumupunta sa gym ang isang 'to.


Huminto naman siya sa harap ko pero 'di siya nagsalita. He just gave me a confused look. Hindi rin siya ngumiti. 'Di ba uso sa kanya 'yung maging friendly at welcoming sa mga estranghero?


"Hi," ngumiti ako.


"Bakit?" tanong niya.


Nawala 'yung ngiti ko. Okay. Hindi siya friendly. Ayaw niya sa mga batian. Gusto niyang straight to the point kaagad. Nagmamadali kaya ang isang 'to?


"Wala naman," sabi ko. "Ang angas mo kanina."


Tumango siya. "Thanks."


Madaldal ako pero 'di ko alam kung bakit biglang walang lumalabas sa bibig ko habang nakatingin kami sa isa't isa. He looks annoyed. Ngumiti lang ako para naman maibsan ang pagkairita niya.


Pero 'di nakatulong 'yung ngiti ko kasi kumunot 'yung noo niya. He looks rude. Hindi talaga uso sa kanya 'yung maging friendly, 'no? Hindi niya ba kayang i-lighten up 'yung atmosphere?


"Ano'ng kailangan mo?" tanong niya.


"Are you a surf instructor?"


"I am."


"Paturo ako," sabi ko.


"I am a surf instructor but I didn't say that I'm open for surfing lessons," aniya. "Sa iba ka na lang magpaturo. Busy ako."


I'm right. He's rude. Binara ba naman ako!


"May surf instructor bang 'di open sa surfing lessons?"


"Mayroon. Ako."


Natawa ako. "Bakit?"


"Busy."


"Willing to wait naman ako," sabi ko. "Kung gusto mo, ikaw 'yung mag-decide kung kailan mo 'ko tuturuan. 'Di naman ako nagmamadali."


He sighed. "Busy nga ako. I-refer na lang kita kay Ronin."


"Ikaw daw ang pinakamagaling na surf instuctor sa buong Villarreal sabi no'ng nakausap ko kanina."


"Lol."


Napabuntong-hininga ako sa sagot niya. Lol daw. Ano bang isasagot ko ro'n? Grabe. Masyado namang matipid ang isang 'to. Hindi man lang ba siya curious tungkol sa 'kin? Hindi niya man lang ba tatanungin ang pangalan ko?

Until The Last WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon