35

5.4K 114 37
                                    

"Mahalin mo na lang ulit ako, Liege."


Nagtitigan kaming dalawa. Ilang sandali rin kaming gano'n bago ako umiwas at napangiti nang mapait. Ramdam na ramdam ko pa rin 'yung titig sa 'kin ni Calib kahit 'di na ako nakatingin sa kanya. He didn't look away.


"Natatakot ako, Calib," sabi ko at nilingon siya. "Natatakot akong mahalin ka ulit. Ang sakit mo kasing mahalin, eh. Nakakawala ka ng katinuan."


Naramdaman kong hinawakan niya 'yung kamay ko. "Liege, alam kong natatakot ka pero gusto kong malaman ko na 'di kita minamadali. Take all the time that you need. Hihintayin kita kahit gaano pa katagal 'yan. I've been waiting for you my whole life and I wouldn't mind waiting for you again."


"Paano kung maghintay ka nang matagal pero sa huli ay bawiin ko lang lahat ng sinabi ko ngayong gabi?" tanong ko. "What if all my efforts of trying to love you again would go to waste? Paano kung maghintay ka lang sa wala?"


Ngumiti siya nang mapait. "Wala naman akong pakialam doon, Liege. Wala naman akong pakialam kahit pa 'di mo na ako kayang mahalin ulit gaya ng dati. Ang importante ay sumubok ka. Kung hindi pa rin, eh 'di mamahalin na lang kita mula sa malayo."


I admit that I tried my best to forget my love for Calib although I never wanted to. Pinilit ko 'yung sarili kong ibaon ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya sa limot at masasabi kong nagtagumpay naman ako roon.


Pero dahil sa muling pagkikita namin, nararamdaman ko na parang ako na mismo ang gustong bumuhay ng mga damdaming matagal ko nang kinitil. Hindi naman siguro masamang sumubok ulit, 'di ba? Gustong-gusto ko kasing sumubok kami ulit. Gusto ko siyang subukang mahalin ulit.


Gusto kong umulit kami.


"Miss na miss kita," bulong ko. 'Di ko alam kung ba't kailangan ko pang ibulong 'yon sa hangin kung pwede ko namang sabihin na lang sa kanya agad. "Miss na miss na miss kita."


"Ako rin naman, Liege. Miss na miss din naman kita," aniya. "Kulang na nga lang ay halughugin ko ang buong Pilipinas noong napagtanto kong wala ka na talaga. Akala ko 'di na kita makikita ulit."


"I think we're soulmates," pagbibiro ko.


"Hindi ako naniniwala sa mga ganyan pero dahil ikaw ang nagsabi, sige, maniniwala na ako," sabi niya. "We're soulmates, Liege. I really believe that we're meant for each other."


"Corny mo," natatawang sabi ko.


"Nagiging corny talaga 'yung tao 'pag in love," aniya.


Natahimik kami pagkatapos at nagpatuloy na kami sa pag-inom. Nabitin kami kaya nagdagdag pa kami ng alak. Uminom kami hanggang alas dos ng madaling araw at nang may tama na kami pareho ay naghalikan na kami.


Nagkatotoo tuloy 'yung chat ko sa kanya.


We made love until it was almost five in the morning. Wild kaming pareho lalo na kasi miss na miss namin 'yung isa't isa. Hindi rin siya nagbago. Masarap pa rin siya gaya ng dati. Magaling pa rin siya sa kama.

Until The Last WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon