20

4K 104 35
                                    

CW: Sexual content ahead. Read at your own risk.


We woke up early the following day.


Nag-desisyon kaming dalawa ni Calib na sabay na lang kaming lilipad pabalik ng Villarreal. I don't have any reasons to stay here anymore so I'll just go home. Wala akong pakialam kung nandoon sina Sigrid at Sylvia kasi si Calib naman ang sadya ko.


Antok na antok ako kaya nang nasa loob na kami ng eroplano at lumilipad na ay natulog ako. I felt how his thumb caressed my cheek while my head was resting on his shoulder. He's so warm and caring. I didn't know that he'd ever treat me like this.


Nang makarating kami ng Villarreal ay sumakay agad kami ng taxi papunta kina Calib. I'll drop him off first before I go home. Tahimik lang kami nang nasa loob na kami ng taxi. Sobrang inaantok ako kaya nakahiga na naman ako sa balikat niya.


"Kailangan ko nang bumaba," sabi ni Calib nang 'di magtagal ay narating namin 'yung gate nila. Tiningnan niya ako. "Don't play games when you get home. Magpahinga ka."


Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. "Okay."


Hinalikan niya ako sa pisngi. "See you tomorrow, Jaylahn."


Kahit nang makababa na si Calib ng taxi ay nakangisi pa rin ako dahil kinilig ako sa ginawa niya. I can't believe he kissed me. Nakita kaya 'yon ng driver? Nakakahiya. Iniisip na siguro ni Kuya na naglalandian kaming dalawa ng kasama ko.


Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko sa sala si Sigrid. Nanonood siya ng TV habang kumakain ng popcorn. Nagtinginan lang kami pero 'di kami nagpansinan. Nilagpasan ko lang siya at dumeretso na agad ako sa kwarto ko para magpahinga.


I literally slept the whole day. Ang haba ng pahinga ko kasi natulog ako ng tanghali tapos nang magising ako ay alas kwatro na ng madaling araw kinabukasan. Nagulat ako dahil nag-oversleep ako. Hindi ko inakala na kaya ko palang matulog nang gano'n katagal.


Nakita kong may chat si Calib. Himala na marami siyang chat. Mga anim siguro. Nagtanong lang naman siya kung ano raw ang ginagawa ko o kung nagpapahinga ba ako. Nagreply ako sa kanya at nagulat ako nang bigla niyang nai-seen 'yung message ko. Gising na ba siya o gising pa siya?


From: Calib Vergara

i think you're still a little upset because i didn't greet you on your bday so come here later at 10 am. magce-celebrate tayo. i don't accept a 'no'.


Napangisi ako at nag-type ng reply.


From: Jaylahn Chua

we don't have to celebrate anymore pero okay, sige. mapilit ka, eh :p


From: Calib Vergara

your ':p' annoys me


From: Jaylahn Chua

:p


Until The Last WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon