17

3.4K 114 171
                                    

I didn't kiss him back.


Una, 'di ako marunong humalik. Pangalawa, 'di ko inaasahan na talagang hahalikan niya ako. Of course, I know that I provoked him, but I didn't know that he'd take it seriously.


Not that I wasn't serious about asking him for a kiss though.


Tumigil si Calib sa paghalik sa 'kin saka niya ako tiningnan. Nakaawang lang ang labi ko habang nakatingin siya sa 'kin. Gulat na gulat ako sa ginawa niya kaya kahit na tapos na siyang halikan ako ay ayaw pa rin mag-sink in sa 'kin ng nangyari.


"Hihintayin kita, Liege..."


It took me quite some time to gather my senses back. Kung hindi pa ginulo ni Calib ang buhok ko, malamang ay matatameme lang ako habang buhay. Hindi ako makapagsalita kaya narinig ko ang mahinang tawa niya.


"You wanted to be kissed. I just did what you wanted me to do."


It still won't sink in. The fact that Calib kissed me still won't sink in. First kiss ko 'yon at 'di ako makapaniwala na siya ang nakakuha. 'Di naman ako nagrereklamo na siya ang nakakuha kasi 'yon naman talaga ang gusto ko. I just can't imagine other people kissing me but Calib. Siya lang 'yung laman ng utak ko. Siya lang 'yung gusto kong humalik sa 'kin.


Biglang tumayo si Calib pero bago pa man siya tuluyang makaalis ay pinigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa braso saka ako tumayo. I looked at him as I closed the distance between us.


"Do you like me?" tanong ko.


There was humor in his face. He stared at me for a good minute before he let out a laugh. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa kasi 'di naman ako nagpapatawa. I was asking him out of curiosity.


"Do I need to like you first before I could kiss you?" tanong niya. "Akala ko ba 'Friends can actually kiss on the lips with no malice'? You said that yourself."


"Sumagot ka na lang kasi," sabi ko.


"No," sagot niya. "I don't like you, Liege. I may be single but I'm straight and I'm not looking for someone to date. Hinalikan lang naman kita kasi gusto kitang makita ulit. 'Di ko 'yon ide-deny. Gusto nga kitang makita ulit."


"Ginagawa mo rin ba 'to sa ibang tao?"


"I don't kiss guys," sagot niya. "I've only kissed one person on the lips. Miami."


"Don't mention her name."


"Selos ka?"


Umarko ang kilay ko. "Selos ako? Paano mo nasabi? Sure ka? 'Di ako nagseselos sa mga pangit."


"Hindi naman siya pangit, ah?" sabi ni Calib.


"Akala ko ba hiwalay na kayo?" iritadong tanong ko.

Until The Last WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon