29

4.5K 107 118
                                    

There was already hatred when we first met.


I hate him. 'Di ko 'yon ide-deny.


I hate the way he put his hand inside the pockets of his shorts. I hate the way his hair goes with the wind. I hate his face and most especially, I hate the way he looks at me.


Unang encounter pa lang namin sa surfing hub, asar na asar na agad ako sa kanya. Noong una, akala ko ay dahil lang sa mukha niya kaya ako naasar pero nang mag-usap kami ay parang nakahanap ako ng valid na rason kung saan galing 'yung pagka-asar ko.


He's annoying — the way he talks is annoying. Sobrang pilosopo niya at wala siyang kwentang kausap. Hindi rin siya marunong mag-seryoso at 'di niya nase-sense kung napipikon na sa kanya 'yung kausap niya. O siguro nase-sense niya pero dahil nga ipinaglihi siya sa kalechehan ay 'di niya 'yon pinapansin kasi sarili niya lang ang iniisip niya.


He wanted me to teach him surfing but I politely declined. Noong una, akala ko ay ang pagiging pilosopo niya na 'yung pinaka-annoying trait niya pero nagkamali ako. Mapilit din siya at 'di siya marunong rumespeto ng desisyon.


I already said no pero mapilit siya kaya ang ending, nasigawan ko siya noong araw na 'yon. Hindi naman siya mukhang bothered sa pagsigaw ko kasi ngumiti pa siya. Mas lalo lang tuloy akong naasar.


Pagkaalis ko ng surfing hub noong araw na 'yon ay asar na asar pa rin ako sa kanya. Aminado ako na talagang pikon ako kaya ayokong inaasar-asar ako. Asar na asar na nga ako sa mundo, dumadagdag pa siya.


Akala ko ay iyon na ang una at huling pagkakataon na magkikita kami pero isang araw ay bigla siyang napadpad sa barber shop kung saan ako nagta-trabaho. Noong araw na 'yon ay ginugupitan ko ang buhok ni Claire. Malayo pa lang siya ay nakita ko na siya pero 'di ko siya pinagtuonan ng pansin.


Ipinagdasal ko noong hapon na 'yon na sana ay 'wag silang magpagupit sa 'kin pero dahil 'di naman ako malakas sa Kanya, 'di Niya dininig 'yung dasal ko. Pagkaalis nina Claire ay pumasok naman siya at 'yung kaibigan niya.


Habang ginugupitan ko 'yung kaibigan niya, siya naman ay nakatingin sa akin. Nakangiti pa siya na parang tanga. Hindi ko naman talaga siya dapat titignan pero nang aksidenteng magtagpo ang tingin namin nang sabay kaming mapasulyap sa salamin ay inirapan ko siya.


At wrong move 'yon.


Dapat pala 'di ko na lang siya inirapan. Lumapad tuloy lalo ang ngisi niya sa 'kin kasi mukhang napagtanto niya na naaalala ko siya.


Nang tumayo at umalis 'yung kaibigan niya sa barber's chair, agad naman siyang pumalit. Tumitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa kanya at bwesit na bwesit ako. Ewan ko pero talagang gusto ko siyang sapakin.


"Undercut sa 'kin, Boss Calib," sabi niya. "Palagay rin ako ng eyebrow slit."


Hindi ko pa rin siya pinansin. Alam ko naman na ang rason kung bakit ako nandito ay ang gupitan 'yung mga customer pero biglang gusto ko na lang magsara ng barber shop kasi ayoko sa customer. Ayoko siyang maging customer.

Until The Last WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon