06

3.1K 120 47
                                    

"Mukhang may tama ka pa rin diyan, ah?"


Siniko ako ni Novem nang mapansin niyang kanina pa ako nakatingin kay Claire. Kumakain siya sa cafeteria kasama 'yung babaeng may maikling bangs na 'di ko kilala. Hindi niya na kasama 'yung tatlong bodyguards niya kasi nasa kolehiyo na ang mga 'yon at sa pagkakaalam ko, sa Maynila na sila nag-aaral.


"Napatingin lang," depensa ko sa sarili.


"That's your crush?" tanong ni Miko na mukhang natatawa pa. "Bro, mukhang mas magaling pa 'yan manligaw kaysa sa 'yo, eh. I bet she can pull more girls than you."


Sinamaan ko ng tingin si Miko. "Bastos ng bibig mo, ah."


Narinig kong tumawa si Novem. "Totoo naman, Liege, eh. Si Natacha nga na kulang na lang ay manligaw na sa 'yo dati, 'di mo pa rin sinunggaban. Hindi ko talaga alam kung torpe ka ba o bakla."


"Hindi naman porke't 'di ako nanliligaw ay bakla na ako," sabi ko. "I just don't like her enough to court her. 'Di naman kasi ako gaya mong hayok sa babae. Halos lahat na lang pinapatulan."


Miko immediately said 'boo' to Novem. Tumawa lang ang gagong si Novem at 'di na dinepensahan pa ang sarili kasi alam niya namang totoo 'yung sinabi ko. Hayok kasi talaga siya sa babae. Ewan ko kung ano'ng klaseng lalaki siya pero mas madalas pa yata siyang magpalit ng babae kaysa mag-toothbrush.


Time went fast and we're already done with junior high school. Senior high school na kami ngayon at himalang 'di na kami magkaklase ni Novem. Nasa STEM strand kasi siya habang ako naman ay nasa ABM. At dahil nga hindi na kami magkaklase ay napilitan akong maghanap ng bagong kaibigan. I became friends with Miko because he's my classmate. He's nice pero madalas talaga ay matalas ang dila niya kaya nabubwesit ako nang slight.


Dito sa university na pinapasukan ko ay may mga college students kaya minsan ay nakikita ko si Calib kasi dito pa rin siya nag-aaral. Hindi ko alam kung ano ang kursong kinuha niya kasi 'di ko na siya madalas na ginugulo gaya ng dati. Saka ko lang siya nakikita kapag nagkakasalubong kami sa school at 'di gaya ng dati na talagang sinusundan ko siya kahit saan man siya magpunta.


Nag-character development na ako, 'no. Hindi na ako makulit gaya ng dati. Saka nagseseryoso na rin ako sa pag-aaral kahit papaano kasi gusto kong magkaroon ng sasakyan. Sinabi kasi ni Papa na bibigyan niya ako ng sasakyan 'pag inayos ko 'yung grades ko kaya ngayon ay nag-aaral na ako. Ang sarap kayang magkaroon ng sariling sasakyan.


I and Natacha didn't work because my feelings never grew. She wasn't bitter about that and she just decided to move on and be with someone else. Nagpapansinan pa rin naman kami sa tuwing nagkikita kami rito sa school. Gaya ko kasi ay 'di na rin siya lumipat ng school at dito na lang din nag-senior high school.


Kinabukasan, hindi pumasok 'yung teacher namin kaya niyaya ko si Miko na lumabas muna para mag-meryenda pero kahit na ano'ng gawin ko, ayaw niyang pumayag. Miko is overly studious kaya ang hirap niyang yayain minsan. Mukhang masama ang timpla ni pareng Miko kaya 'di nagtagal ay umalis na lang akong mag-isa


Bumaba ako ng building at dumeretso sa cafeteria. Hindi pa recess hours ngayon kaya halos walang tao sa cafeteria. Naglakad ako palapit roon sa isang tindahan kung saan ako madalas bumili ng camote cue. Suki ako ng tindahang 'yon at close kami ng tindera kaya naman hinahanda niya na 'yung bibilhin ko kahit na 'di pa ako bumibili.

Until The Last WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon